311 total views
Magtatalaga si Pope Francis ng isang Papal Legate na kanyang magiging representative sa libing ng tinaguriang “Man of peace and love” Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal sa ika-26 ng Oktubre 2017.
Ibinahagi ni Cebu Archbishop Jose Palma sa panayam ng programang Pamilya Ko, Pamilya Mo ng Radio Veritas na kanilang inaantabayanan kung sino ang itatalagang Papal Legate ni Pope Francis.
Bukod sa Papal Legate, sinabi ni Archbishop Palma na dadalo sa funeral mass at libing ni Cardinal Vidal sina Manila Archbishop Emeritus Gaudencio Cardinal Rosales, Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle at Cotabato Archbishop Orlando Cardinal Quevedo.
“Siguradong tatlong Kardinal, Cardinal Tagle, Cardinal Rosales, Cardinal Pedro will be present sa kanyang funeral. We are also expecting the announcement of the Papal legate kung sino ipadaan ng Holy Father to represent him during day of funeral.” bahagi ng panayam kay Archbishop Palma.
Sa kabila ng pagdadalamhati, lubos ang pasasalamat ni Archbishop Palma sa Panginoon na kanyang pagkakaloob sa kay Cardinal Vidal.
“Maraming salamat, pumanaw na ang ating mahal na Kardinal but more than mourning we were filled with thanksgiving to the Lord for giving us, for giving Cebu and of course the Philippines ‘a great man’, ‘a man of peace’, ‘a man of great love’. Nagpapasalamat sa Diyos na pinadala niya si Eminence dito sa Cebu and for more than 28 years, nagsilbi siya ng buong katapatan at ng malaking pagmamahal. Yung kanyang alaala hindi lamang dahil sa ginawa dito pero sabihin na nating all over the country yung kanyang simplicity, yung kanyang humility, a man of great love’ for us priests, sa mga kasama niya and for the people napakahumble niya, napaka loving.” pasasalamat ni Archbishop Palma
Nilinaw naman ni Archbishop Palma na walang espesyal sa funeral mass ni Cardinal Vidal maliban sa mga mensahe ng dating Pangulo ng Pilipinas at Pope Francis.
As I understand sinasabi ng liturgist namin na just like any other mortal human being, halos pare-pareho. Of course the prayers specifically for the Bishop or for the cardinal. No less than the Holy Father, Im sure He will give another message through the Papal legate.
Kaugnay sa burol, dadalhin ang mga labi ni Cardinal Vidal sa Shrine of San Pedro Calungsod sa Archbishop residence sa Cebu City upang pansamantalang iburol sa dambana kasabay ng ika-5 anibersaryo ng Canonization ni San Pedro Calungsod bukas, araw ng Sabado ika-21 ng Oktubre.
Ayon ng Arsobispo na malaki ang naging kontribusyon ng yumaong Kardinal sa pagsusulong ng pagiging Santo ni Pedro Calungsod kung saan personal niyang pinangunahan ang pagsasaayos ng mga dokumento para sa naging buhay at pagiging martir ng binatilyong tubong Visayas.
Matapos ang isang araw na burol sa Shrine of San Pedro Calungsod ay muling ibabalik ang mga labi ni Cardinal Vidal sa Cebu Metropolitan Cathedral hanggang sa araw ng kanyang libing sa ika-26 ng Oktubre.
Matatagpuan ang Shrine of San Pedro Calungsod sa Archbishop residence compound sa Cebu City.
Samantala, nagpaabot rin ng pasasalamat ang Arsobispo sa lahat ng mga nagpaabot ng panalangin at pakikiramay sa pagpanaw ni Cardinal Vidal at inihayag na mananatiling bukas ang Cebu Metropolitan Cathedral para sa lahat ng mga nagnanais na personal na makiramay hanggang sa libing ng Kanyang Kabunyian.
Kaugnay nito una nang kinumpirma ng Archdiocese of Cebu ang paglilibing kay Cardinal Vidal sa libingan ng mga Obispo sa likod mismo ng Cathedral