268 total views
Nagprotesta ang environment group sa tanggapan ng Asturia Chemical Industries sa Calatagan Batangas kasunod ng naganap na extrajudicial killings, iligal na pag-aresto at panghaharass sa mga magsasaka sa Calatagan na tumututol sa limestone mining project ng kumpanya.
Ayon kay Clemente Bautista National Coordinator Kalikasan People’s Network for the Environment, kitang-kita na nais nang palayasin ng mga negosyanteng sina Ramon Ang at Eduardo Cojuangco ang mga magsasaka upang maisagawa nito ang pagmimina sa lugar.
Dagdag pa ni Bautista ang mga pagpatay kina Lito Casalla ng Samahan ng Magbubukid sa Batangas at Engracio delos Reyes, vice president ng Samahan ng Maliliiit na Mangingisda at Magsasaka sa Calatagan na parehong opositor ng Asturias mining project ay malinaw nang dahilan upang makasuhan ng paglabag sa karapatang pantao ang kumpanya.
“There is a brutal shadow war being waged against the stalwart dissenters opposing business tycoons Ramon Ang and Eduardo Cojuangco’s Asturias mining project. Two peasant leaders have already been killed will five others have been illegally arrested, detained, and filed with trumped up charges. A despotic mine such as Asturias should immediately be closed down,” bahagi ng pahayag ni Bautista.
Noong ika-6 ng Oktubre, hinuli at ikinulong ng mga pulis sina Noel Delos Reyes, Eduardo Penafloreda, Senando Marco, Allan Dimaisip, at Joseph Marasigan – mga lokal na residente ng Calatagan na miyembro ng Samahan ng Maliliit na Mangingisda ng Baha at Talibayog na tutol sa operasyon ng pagmimina.
Sa kabila nito, ang Asturias Limestone mining project ay mayroong Mineral Production Sharing Agreement mula sa Department of Environment and Natural Resources – Mines and Geosciences Bureau na nagpapahintulot dito na makapagsagawa ng operasyon sa 808 hektarya sa kabila ng Emancipation Patent na ibinigay sa mga magsasaka.
Mariin ding kinokondena ng kanyang kabanalan Francisco sa kanyang encyclical na Laudato Si ang pagiging gahaman ng mga negosyante na humahantong sa pang-aabuso sa mga mahihina at pagsira sa kalikasan.