Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Hindi pagpaparusa kundi paghilom

SHARE THE TRUTH

 886 total views

Mga Kapanalig, nagsimula kahapon ang Prison Awareness Week na may temang, “Affirm an Option for Love, Work for Justice that Heals.” Sa Filipino, pagtibayin ang pagpili sa pag-ibig, magsikap para sa katarungang naghihilom.

Isang linggo bago ang Prison Awareness Week, bumisita ang pangulo sa Camp Bagong Diwa, isang malaking bilangguan sa Taguig. Pinuri niya ang BJMP o Bureau of Jail Management and Penology dahil sa maayos na kalagayan ng mga bilanggo sa kabila ng kakarampot na badyet ng ahensya. Gayunman, problema pa rin ang pagkakaroon ng sapat na espasyo para sa mga nakapiit, kaya’t nangako ang pangulo na magpapatayo siya ng karagdagang gusali upang mabawasan ang siksikan. Magbibigay rin daw siya ng mga telebisyon para may libangan ang mga nakakulong.

Ngunit malayo sa kalagayan sa Camp Bagong Diwa ang sitwasyon sa karamihan ng mga bilangguan sa ating bansa. Ayon sa report ng Commission on Audit o COA, overcrowded ang ating mga bilangguan—limang na beses na mas marami kaysa sa kapasidad o sa bilang ng mga bilanggong kayang tanggapin ng mga ito. Noong natapos ang 2016, mayroong mahigit 120,000 na inmates sa mga piitang pinangangasiwaan ng BJMP, gayong nasa 20,000 lamang ang kapasidad ng mga ito. Nawa’y hindi mapako ang pangako ng pangulo sa mga nasa Camp Bagong Diwa, at sana’y ganito rin ang kanyang ipagawa sa iba pang bilangguan sa buong bansa.

Maraming beses nang itinampok sa mga pahayagan at dokumentaryo sa telebisyon ang kaawa-awang kalagayan ng mga kababayan nating nakakulong. Nariyang nagsasalitan sa pagtulog ang mga preso dahil hindi sila kasya sa kanilang selda. Mayroon pa ngang sa mga baitang ng hagdan natutulog. Dagdag pa ng COA sa ulat nito, hindi mabawas-bawasan ang mga bilanggo dahil sa mabagal na pag-usad ng mga kaso at kakulangan ng mga hukom na didinig sa mga ito. Lumalâ pa ang kalagayan sa mga kulungan dahil sa dami ng mga naaresto kaugnay ng giyera kontra droga ng administrasyon.

Hindi lamang overcrowding ang problema sa ating mga bilangguan. Nariyan ang kakulangan ng pagkain at serbisyong medikal na mahalaga para sa kalusugan ng mga bilanggo dahil sa kabila ng kanilang pagkakasala sa batas, mga tao silang may dignidad.  Nakalulungkot na may mga nagkakaroon ng matinding karamdaman at namamatay dahil sa kawalan ng sapat na bentilasyon at pagkain. Marami rin sa mga bilanggo ang hindi na dinadalaw ng kanilang mga mahal sa buhay, at malaki ang epekto ng pangungulila sa kanilang sikolohikal na kalusugan.

Ngayong Prison Awareness Week, pinapaalalahan tayong hindi dapat ginagawa ang pagbibilanggo para lamang parusahan ang mga taong lumalabag sa batas. May mas malawak, malalim, at makataong layunin ito—ang hilumin ang pagkasirang tinamo ng bilanggo dahil sa krimeng nagawa, ang ibsan ang sakit na naidulot sa pamilya, at ang buuing muli ang ugnayan ng nagkasala sa kanyang komunidad. Ito ang ibig sabihin ng “justice that heals”.

Sabi nga ni Pope Francis sa kaniyang mensahe sa mga bilanggo sa Argentina noong Agosto, “…for the punishment to be fruitful, it must have a horizon of hope.” Magiging mabunga ang pananatili sa loob ng piitan kung naghahatid ito ng pag-asa—sa halip na pagdurusa—sa mga nakapiit. Hindi dapat makabawas sa dignidad ng mga bilanggo ang pananatili nila sa kulungan, kaya’t napakahalaga ng mga programang pangkabuhayan, pang-edukasyon, at formation para sa mga inmates. Kung walang pag-asang maibibigay sa mga nakapiit na sila’y muling makakabalik sa kanilang komunidad, para na rin silang tinortyur.

Mga Kapanalig, sa kabila ng negatibong pagtingin ng lipunan sa mga taong nasa bilangguan ay mga kwento ng pag-asa, ng pagsusumikap na magbagong buhay. Posible ito kung pipiliin natin ang pag-ibig, ang pagturing sa mga kapatid nating nakakulong bilang mga tao, at ang katarungang hindi nagpaparusa kundi naghihilom.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 10,850 total views

 10,850 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 20,965 total views

 20,965 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 30,542 total views

 30,542 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 50,531 total views

 50,531 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »

Climate justice, ngayon na!

 41,635 total views

 41,635 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 10,851 total views

 10,851 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 20,966 total views

 20,966 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 30,543 total views

 30,543 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 50,532 total views

 50,532 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 41,636 total views

 41,636 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 40,555 total views

 40,555 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 44,124 total views

 44,124 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 56,580 total views

 56,580 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 67,647 total views

 67,647 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 73,966 total views

 73,966 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 78,578 total views

 78,578 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 80,139 total views

 80,139 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 45,700 total views

 45,700 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 68,361 total views

 68,361 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 73,826 total views

 73,826 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top