189 total views
Tiniyak ng Department of Education na hindi nasasayang ang mga panahon na walang pasok ang mga estudyante.
Ayon kay DepEd Undersecretary Tonisito Umali, nakadisenyo ang school calendar ng DepEd nang hanggang 204 araw, subalit 180 araw lamang ang itinakdang kinakailangan para sa buong taon.
“Ngayong taon po ang unang araw ng pasukan ay June 5, at araw ng bakasyon ay April 6. Pinapahaba daw namin para nagkaroon ng kanselasyon e yung minimum number of contact time ay mangyayari pa rin po. That is maybe another way of explaining it, but as far as we are concerned, we want all those days as much as possible to be used for learning. Pero kung hindi maiiwasan, we are still okay hangga’t hindi bababa ng 180 (days),” paliwanag ni Umali.
Ang pahayag ay kaugnay na rin sa anunsyo ng Malacanang ng suspension ng klase sa simula ika-13 hanggang 15 ng Nobyembre sa National Capital Region, Bulacan at Pampanga.
Paliwanag ni Umali, ang allowance na 24 na araw ay para sa mga kanselasyon ng klase dahil sa bagyo, baha o anumang programa na kailangang ng suspension ng pasok sa paaralan.
Hinihikayat din ayon kay Umali ang mga guro na bigyan ng karagdang takdang aralin o mga babasahin ang mga mag-aaral bukod pa sa mga make-up classes schedule na araw ng Sabado.
Binigyan diin ng kanyang kabanalan Francisco ang kahalagahan ng edukasyon ay hindi lamang makikita sa loob ng paaralan kundi malaking tulong ang tahanan at simbahan para paglago ng pagkatao ng kabataan.