178 total views
Nagpahayag ang grupong Rise Up nang buong suporta sa panawagan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na ‘Heal our Land’ mass ang mga pamilya ng drug related killings na itinakda sa November 5.
“In truth, the families affected by drug-related killings have endured months of isolation and have even faced a stigma of being labelled as criminals, hustlers, and generally unredeemable burdens on society. Duterte’s attacks against the poor have continued to fuel unfair and nasty public disdain. Our experience bears out that the families affected by drug-related killings are as diverse and as human as any. Their desire to be embraced with compassion is real,” ayon sa pahayag ng Rise Up.
Ang Heal Our Land Mass ay isasagawa sa Edsa Shrine dakong alas-3 ng hapon.
Ang Rise Up for Life and Rights ay alyansa na nagsusulong ng karapatang pantao kasama ang mga pamilyang biktima ng mga pinaslang dahil sa droga na naniniwalang dapat nang mahinto ang pagpaslang at simulan na ang paghilom ng buong bansa.
Giit pa ng Rise Up, hangga’t patuloy na may pinapatay ay nananariwa rin sa mga biktima ang kanilang karanasan na nawalan ng mahal sa buhay at hindi na nabigyan nang pagkakataon para makapagbago.
“We seek to live out a noble goal to “Stop the Killings! Start the Healing!” Giving pause to recognize that, under current circumstances, we should be loud, united, and firm in our call, we must start the healing,” ayon pa sa pahayag.
Sa pahayag ng Rise UP, hinihikayat din ng grupo ang bawat parokya at mga barangay na magpadala ng kanilang kinatawan at makiisa sa panawang pagdarasal para mahinto na ang mga pagpaslang na karaniwang mga biktima ay pawang mga mahihirap.
Inaayayahan ni CBCP President, Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang mamamayan na makiisa, para sa sabay-sabay na panalangin para sa ikakapayapa ng bansa sa pamamagitan ng pag-ako sa ating mga pagkukulang at paghingi ng kapatawaran.
Sa loob ng 2 taong pag-iral ng giyera kontra droga, higit sa 13,000 na ang naiulat na napaslang na siyang kinokondena ng iba’t ibang grupo kabilang na ang simbahan na maling tugon sa problema ng bansa laban sa droga.
Nagtayo rin ang ilang mga diyosesis at arkidiyosesis sa buong bansa ng community based drug rehabilitation program bilang tugon sa problema ng bansa sa ilegal na droga.
Ilan sa mga community based drug rehabilitation ng simbahan ay ang Sanlakbay at Kaunting Pahinga ng Archdiocese of Manila; Salubong ng Diocese ng Caloocan; HOPE center ng Diocese ng San Jose, Nueva Ecija; Abot Kamay Alang-alang sa Pagbabago ng Diocese ng Novaliches; Pastoral Approach to Rehabilitation and Reformation ng Diocese ng Cubao at Labang ng Archdiocese of Cebu.
GALILEE Homes, Ang Galilee Homes ay isang drug rehabilitation facility sa ilalim ng Diocese of Malolos na itinatag noong 1987.
Ang Galilee na may lawak na 3.5 hectares ay matatagpuan sa Dona Remedios Trinidad, Bulacan na hindi tulad ng ibang rehabilitation centers, ito ay walang mataas na bakod, gate at guwardiya na nagbabantay.
Nauna rito, nanawagan si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa sambayanang Pilipino partikular sa pamahalaan na huwag sumuko sa mga naliligaw ng landas lalo na sa mga lulong sa ipinagbabawal na gamut.
See: Huwag sumuko sa mga naligaw ng landas sa droga -Cardinal Tagle
Inilunsad din ng Archdiocese of Manila ang “Huwag kang Magnakaw ng Buhay” campaign.
See: Huwag Kang Magnakaw Ng Buhay Movement, ilulunsad ng Archdiocese of Manila
SANLAKBAY program, may 12 Parokya ng tutulong sa drug surrenderers
Simbahan, bukas ang pintuan sa drug dependents-Cardinal Tagle
Inilunsad din ng Diocese of San Pablo Laguna ang 12 Steps Rehab program para sa mga lulong sa droga na nagnanais magbagong buhay.
Read: 12 steps rehab program, inirekomenda ng Diocese of San Pablo.
Nagsisilbi sa kasalukuyan na pag-asa ng mga lulong sa droga ang itinatatag ng Diocese of Legazpi na HARONG PAGLAOM (House of Hope), isang community-based rehabilitation program na nagbibigay ng recovery coaching, spiritual guidance at life skills training sa mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamut katuwang ang local government units partikular ang mga barangay.
Read: Diocese of Legazpi, umaapela kay Pangulong Duterte na ipatigil ang EJK
Bukas din para sa mga drug surrenderer ang “Kakadua o Kasama program” ng Diocese of Bangued Abra.
Read: Kasama drug rehab program, inilunsad ng Diocese of Bangued