368 total views
Hindi dapat nagtatapos sa misa ang awit panalangin sa loob ng simbahan.
Ito ang mensahe ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa ginanap na ‘Prayer Through Music: a Recollection concert na ginanap sa Manila Cathedral.
Hinihikayat ni Cardinal Tagle ang bawat isa na aktibong nakikibahagi sa pag awit sa misa na ipagpatuloy ang pagmimisyon sa simbahan sa pagbibigay malasakit sa kapwa.
Ang pag awit ayon kay Cardinal Tagle sa paraan ng pagdarasal ay bilang pagkilala sa may likha na higit na nakakaalam at makapangyarihan.
Bukod kay Cardinal Tagle nagbahagi rin ng kanilang pagninilay sina Fr. Reginal Malicdem, rector ng Manila Cathedral sa temang ‘Singing as Prayer’; at Fr. Manoling Francisco SJ sa paksa namang Union of Hearts and Voices.
Ayon kay Fr. Malicdem ang musika ay paraan ng paghahayag ng damdadamin ng mga Filipino at isang taimtim na pagdarasal sa paraan ng musika.
Dagdag pa ng pari ang pangunahing alituntuin ng liturgical music ay ang pagpapabanal ng mga mananampalataya at pagpupuri sa Panginoon.
Inawit din ni Cardinal Tagle ang ‘Hesus na Aking Kapatid’ kasama ang Tulay ng Kabataan choir sa libreng konsyerto na dinaluhan ng may 2,500 katao.
Kabilang din sa mga nagtanghal sa free concert sa Manila Cathedral ang Manila Cathedral-Basilica Choir at ilan pang performers tulad nina Rachele Gerodias (Soprano); Jose Augusto Bernas (Treble), violinist na si LaDonna Taylor; Bukas Palad Music Ministry, Hangad, St. Mary’s Academy-Pasay Vocal Group, organist na si Alejandro Consolacion II, Tulay ng Kabataan Choir at St. Cecilia Chamber Orchestra.
Ang pagdiriwang ay kasabay na rin ng ika-7 taon ng Manila Cathedral Pipe Organ concert at ika-50 taon ng Musicam Sacram-ito ay isang dokumento ng simbahan hinggil sa liturgical music bilang paraan ng pagdarasal sa pamamagitan ng musika.