296 total views
Naniniwala ang isang Financial Analyst na may negatibong epekto sa ekonomiya ng bansa ang sunod-sunod na deklarasyon ng holiday.
Ayon kay First Grade Finance Inc. Managing Director Astro Del Castillo, lubhang maaapektuhan ng mga araw na walang pasok ang trading industry at financial sector ng Pilipinas.
Sinabi ni Del Castillo na dapat nag-abiso ang gobyerno ng matagal-tagal na panahon bago ilabas ang deklarsyon ng mga holiday upang makapaghanda ang mga negosyante at iba pang mga indibidwal na nakapdepende sa sektor ng pagnenegosyo.
“Sana po nalaman natin ito ahead of time yung medyo matagal-tagal para nakapagprepare at hindi ganyang kaingay ang ibang mga businesses… Pangit po talaga kapag walang trading. Nawawalan kami ng opportunity sa financial market hindi po tayo nakakasabay sa ibang bansa yung paggalaw so sayang,” ani Del Castillo.
Bukod sa unang dalawang araw ng Nobyembre, idineklara na ring walang pasok ng pamahalaan ang November 13-15 dahil sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit habang gugunitain naman sa ika-30 ang Bonifacio Day.
Hinihikayat naman ng Kanyang Kabanalan Francisco ang malalaking negosyante at nakakaangat sa lipunan na tulungan at ipamahagi sa mga mahihirap ang natatamasa nilang yaman.