Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Banta sa karapatan, banta sa demokrasya

SHARE THE TRUTH

 608 total views

Mga Kapanalig, bagamat naglipana ngayon ang “fake news”, masasabing may espasyo pa rin tayong mga Pilipino upang maibahagi natin ang ating saloobin tungkol sa iba’t ibang isyu, kahit pa ang mga puná natin sa mga mali at baluktot na hakbang ng ating pamahalaan. Ito ang positibong bunga ng pagkakaroon ng isang demokratikong lipunan.

Gayunman, ikinababahala ng ibang bansa, katulad ng mga kasapi ng European Union o EU, ang panganib sa ating demokrasya dahil sa lumalalang kalagayan ng karapatang pantao sa ating bansa. Sa kanilang Annual Report on Human Rights and Democracy, sinabi ng EU na hindi na bago ang mga paglabag sa karapatang pantao sa Pilipinas katulad ng pagpatay sa mga human rights defenders, mga lider-katutubo, at mga mamamahayag. Ngunit sa ikalawang bahagi ng 2016, kitang-kita ang kawalan ng pagpapahalaga ng pamahalaan sa karapatang mabuhay (o right to life), sa tamang proseso ng batas (o due process), at sa pag-iral ng batas (o rule of law).

Sa tala mismo ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency, umabot na sa halos 4,000 ang drug personalities na napatay sa mga anti-drug operations mula noong unang araw na maupo sa puwesto si Pangulong Duterte hanggang Setyembre ngayong taon. Hindi pa po kasama sa bilang na iyan ang mga tinaguriang deaths under investigation na kagagawan naman ng mga vigilante. Sadyang nakababahala na nga ang dami ng buhay na maaari pa sanang nagbago kung nabigyan ng pagkakataon.

At batay sa huling survey na ginawa ng Social Weather Stations (o SWS), halos 4 sa 10 Pilipino ang nagsabing hindi sila naniniwala sa paliwanag ng mga pulis na nanlabán ang kanilang mga napapatay. Halos kalahati naman sa mga nainterbyu ang nagsabing hindi na nila alam kung totoo ba o hindi ang sinasabi ng mga pulis na nanlabán ang mga napatay nila. Salamin ito ng tiwala (o kawalan ng tiwala) natin sa mga institusyon, bagay na mahalaga sa isang demokrasya.

Hindi lamang sa “war on drugs” nakita ng EU ang mga banta sa ating demokrasya. Nariyan rin ang pagbabalik ng death penalty at ng pagpapababa ng edad ng kriminal na pananagutan o minimum age of criminal responsibility. Kung magiging patakaran ang mga ganitong paraan ng pagpaparusa, lilitaw na mahina ang pagpapatupad natin ng mga kasalukuyan nating mga batas na isinasaalang-alang ang karapatang pantao maging ng mga nakagawa ng mali.

Mga Kapanalig, haligi ng matatag na demokrasya ang pagpapahalaga at pagtataguyod ng pamahalaan sa karapatang pantao. Umiiral ang tunay na demokrasya sa isang lipunan kung kinikilala ng mga institusyon, sa pangunguna ng pamahalaan, ang karapatan ng lahat ng tao, anuman ang kanilang kasarian, katayuan sa buhay, edad, o grupong kinabibilangan. Huwad ang demokrasyang hinahayaan lamang ng mga namumuno at ng mga pinamumunuan ang paglabag sa mga karapatang pantao at pagyurak sa dignidad ng bawat isa.

Salungat sa prinsipyo ng pag-iwas sa karahasan (na mahalaga rin sa isang demokrasya) ang mga patakarang nag-aalis sa mga taong magbagong-buhay at mag-ambag sa kanilang lipunan. Bahid sa demokrasya ang madugong kampanya kontra droga, ang death penalty, at ang pagkukulong sa mga musmos. Mas mainam kung paglalaanan ng sapat na pondo ng pamahalaan ang mga solusyong naglalayong iwasto ang pagkakamali ng mga lumalabag sa batas. Nariyan ang rehabilitasyon para sa mga nakagagawa ng krimen, tulong medikal para sa mga lulóng sa ipinagbabawal na gamot, at pagpapaaral sa mga batang nasasangkot sa krimen. Walang lugar sa isang tunay na demokrasya ang pagmamalupit at pagpatay sa mga taong naliligaw ng landas.

Mga Kapanalig, marami ang nagsakripisyo para sa demokrasya sa ating bayan. Huwag nating hayaang mabalewala ito dahil sa hindi makataong mga patakaran at sa malawakang paglabag sa karapatang pantao.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 12,296 total views

 12,296 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 26,952 total views

 26,952 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 37,067 total views

 37,067 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 46,644 total views

 46,644 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 66,633 total views

 66,633 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 12,297 total views

 12,297 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 26,953 total views

 26,953 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 37,068 total views

 37,068 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 46,645 total views

 46,645 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 66,634 total views

 66,634 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 47,019 total views

 47,019 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 42,044 total views

 42,044 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 45,613 total views

 45,613 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 58,068 total views

 58,068 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 69,135 total views

 69,135 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 75,454 total views

 75,454 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 80,066 total views

 80,066 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 81,626 total views

 81,626 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 47,187 total views

 47,187 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 69,086 total views

 69,086 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top