199 total views
Ito ang binigyang-diin ni Caritas Manila Executive Director at Radio Veritas President Rev. Fr. Anton CT. Pascual sa All Saints Day Mass na ginanap sa Holy Trinity Chapel, Loyola Memorial Park, Marikina City.
Ayon kay Fr. Pascual ang pagdiriwang ng All Saints Day o Pista ng mga Banal ay nagbibigay ng inspirasyon sa mga mananampalataya na magbalik-loob sa Panginoon at hangarin na lumago sa kabutihan, pag-ibig at paggalang.
Hinamon din ng pari ang bawat isa tularan ang kabutihan ng mga santo na sa kabila ng kanilang mga nakaraang pagkakasala ay piniling magpakasakop at lumapit kay Kristo.
“Every saint has a past and every saint has a future. Ito ay hamon para sa ating lahat na we can change right now and change today to grow in holiness. Of course it is impossible on our own merits. It is only possible with God’s grace” pahayag ni Fr. Pascual.
Sinabi rin ni Fr. Pascual na ang pagsasabuhay at pagtulad sa mga santo ay makapaghahatid sa atin sa kaharian ng Panginoon at makapagbibigay ng buhay na walang hanggan sa piling ng Diyos na maylalang.
“Sila [mga santo] ay bayani ng ating pananampalataya. Mga ordinardyong tao, nagkasala din ngunit sa grasya ng Diyos sila ay nagpasakop kay Lord at sila ay binago ng Panginoon at naging huwaran ng kabanalan. At ito ay hamon para sa atin sapagkat tayo ay niliha ng Diyos upang maging banal sapagkat ang ating Diyos ay banal at tayo ay tinadhana ng Panginoon para sa langit,” dagdag ng pari.
Una nang sinabi ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani na bawat tao ay tinatawag ng Panginoon upang maging santo sa sariling mga pamamaraan upang sa takdang panahon ay makasama tayo ng Diyos, mga banal at mga anghel sa kalangitan.