Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Love2Last event of CFC

SHARE THE TRUTH

 5,700 total views

HOMILY
SMX Pasay City
October 29, 2017

My Dear Brothers and Sisters in Christ, We thank God for bringing us together; we are one big family this afternoon as we celebrate the Eucharist.

Kahit saang parokya, kahit saang lugar kapag nagdiriwang ng Eukaristiya tayo ay isang malaking pamilya na tinitipon ni Hesus sa tahanan ng ating Ama.

Our celebration this afternoon is part of the year’s theme the “Parish as Communion of Communities”, kasi po yung parokya is made up of different communities and the fundamental community in the parish is the family. May mga families, may mga organization, may mga movement, may mga group sana bawat community especially the family will be open to communion, sana bawat family and community will live in communion within the family and communion with other communities.

Kapag mayroong family o organization o community na nagsara, communion sira ang parokya. Kaya po yung ating celebration this afternoon while it strengthens, hopefully it would strengthen the communion within the family to a love that last sana yung pamilya, bawat pamilya bukas sa iba pang pamilya para tumatag ang parokya.

Palagay ko marami naman tayong karanasan na kapag ang mga communities nagsara sa isa’t isa, sira na ang communion at humihina tayong lahat.

Bakit ho kayo tahimik? (audience laughs) Alam ko hindi nangyayari yan sa inyong mga parokya, alam ko lagi kayong loving loving. (Audience laughs)
Pero kung kayo po ay mga normal na tao, pamilya at parokya palagay ko laging may tukso to cut the lines of communion kaya po napakahalaga ng mga pagbasa natin sa araw na ito.

At first glance it seems that the readings are about commandments at totoo naman, in the Gospel Jesus was being trapped by a scholar of the law, lawyer. Mga lawyers pati si Hesus tina-trap, they knew that he was not a lawyer, they knew that he was a simple Nazarian coming from a simple family, the family of a carpenter and the poor maiden Mary. Kaya siguro sabi nila pinakamadaling pamamaraan para matisod si Hesus ay magtanong tayo tungkol sa hindi niya alam, the law.

“Teacher which commandment in the law is the greatest?” when we’re talking about the law it is not just the 10 Commandments, nagsimula sa 10 pero habang tumatagal nagkakaroon ng iba’tibang interpretation kaya sa old testament pa lang more than 600 na yung mga laws and prisms all of them based on the 10 Commandments. Pero kung ikaw ang papipiliin, you have 650 prisms which is the greatest?

Pero maganda yung sagot ni Hesus, “the greatest and the first is love your God with all your mind, with all your strength, with all your soul and the second is love your neighbor as you love yourself”.

Paulit ulit yung salitang “your” your God, your neighbor with your body, your heart, your strength as you love yourself. Bakit?Hindi bap u-pwedeng “I love God with your mind” (then pointed at one person in the choir) hindi ba pwede na sabihinniyo sa asawa niyo “I will love you with her heart” (point again to someone from the choir) “aarkila ako ng ibang puso para mahalin ka, aarkila ako ng ibang isip para mahalin ka, aarkila ako ng ibang kaluluwa para mahalin ka” hindi eh, your heart, your soul, your mind for your God and your neighbor.

Dahil paulit ulit yan we realized that this is not just commandments or laws, Jesus is reminding the fallacies and us of something fundamental, even in the old testament noong ibinigay ng Diyos ang mga utos the context was covenant nakikipagtipanan ang Diyos sa kanyang bayan. What is primary was the relationship called covenant, the law will come from the covenant and the law makes sense only within the covenant, remove the covenant relationship the law is just a law, a command, parang restrictions lang.

In the Old Testament the covenant relationship was formulated this way “I will be your God and you will be my people, we belong to each other, you are mine and I am yours”
Nung bata bata pa nga ako meron pang ganyang kanta “Ikaw ay akin Ako ay…” (audience “Sayo”) marami palang matatanda dito, kasing tanda ko alam pa eh at palagay ko mas marami pa ayaw lang ipakita ang kanilang edad. Pero ang ganda nun ikaw ay akin, ako ay sayo at kapag ang tipanan ay buhay dahil ikaw ay akin, hindi ka iba sa akin at dahil ako ay hindi iba sayo at sa puso ko ay nandun ka lagi at ako ay nasa puso mo hindi kita dadayain, hindi kita pagtataksilan, hindi ako mangangalunya, hindi kita nanakawan, hindi kita papatayin hindi ako gagawa ngkabulaanan tungkol sayo, hindi ako maiingit sayo bakit? kasi katipan kita.
Kapag humina ang tipanan kailangan na ng batas but for as long as the covenant relationship with God and with neighbor is strong in mutual ownership “you are mine” actually you don’t need laws.

The laws emerge because people forget their covenant relationship. So in this sense the laws are not just legal prisms, the laws are a reminder to return to the covenant kayaang hinihilom ay ang tipanan na nasira, minsan dyan po tayo kulang.
Siguro naman dito may mga karanasan na meron kayong naging hablahan sa kamag-anak, sa kaibigan kapag naghablahan na kahit natapos na ang kaso yung tipanan parang sugat na pero hindi magagawa yun ng korte, kayo ang gagawa nun to restore the covenant, hindi na yun legal covenant, relationship. Kaya ang pamilya hindi nabubuo sa batas, ang pamilya nabubu osa tipanan.

Mga mag-asawa (to audience) puwede niyo bang tingnan ang asawa niyo at sabihin “ikaw ay ako, ako ay sayo”, kapag hindi mo na masabi yan naku kahit gaano pa karaming batas walang uubra, kahit gaano karaming pulis ang ikalat mo, kahit gaano karaming cannon lawyers ang pag-aralin kapag walang tipanan hahanap at hahanap ng pamamaraan para tumaliwas at gawa na naman ng bagong batas, mukhang hindi naman batas ang kailangan ang kailangan tipanan, covenant.

That’s why Jesus repeated what was in the Old Testament your God, your heart, your mind, your neighbor makipagtipanan. Malinaw po ba ito? (Asking the audience)
Naku sa totoo po ang tao na bukal sa loob covenant relationship kahit walang batas magiging tapat, ang tao na walang covenant relationship kahit kanino hahanap at hahanap yan ng pamamaraan para malampasan ang batas, makalusot.

So malinaw po yun ano po? Yun ho ang introduction ko sa homily, hindi pa ho ito ang homily ano po.. (Audience laughs)Tipanan, wala namang batas na sinasabi dapat maikli ang homily diba? (Laughs with the audience) Hindi po, tinitesting ko lang kayo kung nakikinig kayo.

So that’s the first point, the second point is sabi niyo oo malinaw, medyo nga. Pero ito ang second point ko madaling makipagtipanan kung sa asawa, sa anak, kadugo. Mahirap nga yan pero madali-dali pa yan but in the first reading God is inviting all of us to have a covenant relationship outside of our immediate family. Totoo charity begins at home but charity from the home must flow out, outside of the home kaya sabi p osa Book of Exodus in the first reading, “huwag mong pahihirapan at guguluhin ang biyuda, ang ulila at ang alien stranger they are the most vulnerable, they are the most helpless, nobody cares for them but you who are my people dapat meron ka ring tipanan sa kanila, dapat nararamdaman mo kapatid ko kapwa ko ang bawat naghihirap, ang bawat walang matakbuhan, ang walang maaasahan at kapag sila ay sinamantala mo pa, God says ‘I will hear their cry and I will defend them because they are mine and if you hurt them, you are hurting me’”.

Ganyan kalalim ang tipanan ng Diyos sa mga naghihirap kaya dapat tayo nakikipagtipanan din sa kanila. Ang nakakalungkot kung sino yung mahina at nangangailangan siya pang sinasamantala, naririnig ng Diyos ang kanilang tinig kasi tapat siya sa kanila. That’s why our covenant relationship begins in the family but the Lord wants us to extend it to the strangers, to the orphans, to the widows. Please identify in our time, who are the most neglected and vulnerable.

Minsan kapag batas lang ang ginawa lalo silang napapariwara kailangan nila covenant relationship. Nung nakaraang Sabado pinagdiwang rin po natin ng Archdiocese of Manila ang 1stanniversary ng Sanlakbay yung parish based drug rehabilitation program, community based in partnership with the barangays and with the local police mahigit 100 po ang nag-graduate pero nag-testify po sila, natutuwa ako sa consistency, may nag-testify din na barangay chairwoman, may nag-testify na mga pulis alam niyo iisa ang kanilang sinasabi sabi nung isang nakarecover na drug addict “lalo akong nalulong sa drugs dahil pinagtabuyan na ako ng pamilya ko at ng aking mga kaibigan” nung nawala yung tipanan lalong lumala sabi niya “ngayon tuwang tuwa ako meron ng yumayakap sa akin na community and my human dignity is restored” sabi niya “and I discovered my God, God loves me” and that’s the path to healing not a law but a covenant relationship. Sabi nung isang barangay chairwoman “kapag merong niallapit sa akin, I shift ang tingin ko sa kanila hindi mga violators of the law ang tingin ko sa kanila aking anak, my sons, my daughters” at kapag ganun mas nagkakaroon sila ng incentives to change, covenant relationship outside of our families kaya mamaya po i-identify ninyo para pag-uwi ninyo sino tong parang mga napabayaan na nangangailangan ng pakikipagtipan muli to feel that they belong to a family and that is the beginning of their recovery.

Okey po? (Asking the audience) so meron ngang commandments pero the commandments come from a covenant relationship with the covenant relationship of mutual love and fidelity the commandment of love will not mean anything kaya tama rin siguro yung kanta nung bata bata pa ako, huwag ng mahiya yung iba sabi nung kanta noon ”puso kahit hindi turuan nakapagtataka natututunan ding magmahal”.

Hindi mo inuutos ang pagmamahal, hindi mo yan itinuturo, “lesson 1, step 1, step 2” ang puso na nakaramdam ng pagmamahal, magmamahal yan at kapag nagmamahal na nakikipagtipanan na ang mga utos ay hind nayan ang pinakamahalaga, ang pinakamahalaga ay ‘may katipan ako at dahil may katipan ako ang lahat ng utos nagagampanan ko kahit walang mag-uutos’.

Kung meron kayong kasambahay na bawat kilos kailangan pang utusan, itigil niyo ang pag-uutos baka kaya hindi ginagawa kasi utos kayo ng utos ang ibalik ninyo, tipanan. Sabihin niyo “halika dito magkape tayo, ilabas mo yung marurumi mong damit at ako ang maglalaba” magugulat yan, maya maya yan, hindi mo nauutusan bakit? Kasi nakipagtipanan.

Yung mga anak ninyong hindi umuuwi sa oras huwag niyong “hoy ah ang batas 10:30 ang batas 11 o’clock” paano uuwi yan kung hindi naman nararamdaman na sa bahay mayroong covenant relationship mas gugustuhin nga niya na nasa labas pero kung enjoy yan sa pamilya hindi mo kailangang sabihin na 10:30, alas-syete palang nandyan na yan alas, sais nandyan nayan. Kapag ang mister niyo o misis niyo sa bintana pa dumaraan pauwi, huwag kayong gagawa ng mga batas “ila-lock ko yang bintana na yan” hindi, ibalik ang covenant relationship, tipanan naku nagkukukumahog yan pauwi kahit bubong papasukin yan, magnanakaw na pala (laughs) o tama na.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 53,162 total views

 53,162 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 64,237 total views

 64,237 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 70,570 total views

 70,570 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 75,184 total views

 75,184 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 76,745 total views

 76,745 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

The Smell of the Sheep: Knowing their pain and healing their wounds is at the core of the shepherd’s task Luis Antonio G. Cardinal Tagle

 5,760 total views

 5,760 total views The Smell of the Sheep: Knowing their pain and healing their wounds is at the core of the shepherd’s task. Luis Antonio G. Cardinal Tagle Meeting of the Presidents of the Bishops’ Conferences on Safeguarding of Minors February 21, 2019 The abuse of minors by ordained ministers has inflicted wounds not only on

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily of His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila Walk for Life

 5,745 total views

 5,745 total views H.E. Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila Walk for Life Homily Feb 16, 2019 We thank God for bringing us together on this beautiful day. Let us give the Lord praise and thanksgiving, for life-giving creation and we thank God for this opportunity again to be one community proclaiming to the world

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Palm Sunday Homily

 5,705 total views

 5,705 total views His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila Manila Cathedral Basilica of the Immaculate Conception March 25, 2018 Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya. Sinisimulan po natin ngayon ang mga mahal na Araw Holy Week at ang pasimula ay ang paggunita natin sa maringal at mabunyi na pagpasok ni Hesus sa banal

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila Walk for Life 2018

 5,758 total views

 5,758 total views February 24, 2018 “Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya magpasalamat po tayo sa Panginoon na siyang nagtipon sa atin po sa umagang ito. Siya rin po ang naglalakad, siya ang tunay na naglalakad sumasama lang po tayo, Siya ang unang naglakad at patuloy na naglalakad, at tayo po ay ang kanyang katuwang. Hindi

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Feast Day of Blessed Takayama Ukon

 5,760 total views

 5,760 total views Homily Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila My dear brothers and sisters in Christ, we give thanks and praise to God for this day. We thank God for giving us the opportunity to be one community so that we could be renewed by his word, by his presence, by his spirit and

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily – His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle, Archbishop of Manila – Street Mass Zone 7, St. John Bosco Parish, Makati – January 19, 2018

 5,705 total views

 5,705 total views Muli po magpasalamat tayo sa Panginoon na tayo ay binigyan ng lakas ng katawan, tamang pag-iisip. Maganda ang panahon at kakayanan na maglakad at ngayon sama-sama tayo para sa Eukaristiya. Nagpapasalamat po ako kay Fr. Degs at mga kasama sa parokya sa paanyaya na makapiling kayo sa misang ito. Kung bibigyan po ng

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

HIS EMMINENCE LUIS ANTONIO CARDINAL TAGLE TRASLACION – JANUARY 09,2018, QUIRINO GRANDSTAND

 5,805 total views

 5,805 total views Mga minamahal na kapatid sa Panginoong Hesukristo. Una po sa lahat, magpasalamat tayo sa Diyos, siya po ang nagtipon sa atin itong mga mga nakaraang araw pa, hanggang ngayon, hanggang mamaya. Upang bilang isang sambayanan, tayo ay kanyang mapanibago ng kanyang salita, nang kanyang espiritu ng kanyang presensiya. Nagpapasalamat po tayo sa Panginoon

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio, New Year’s Eve Mass @ Manila Cathedral, December 31, 2017

 5,715 total views

 5,715 total views His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio New Year’s Eve Mass @ Manila Cathedral December 31, 2017 Mga minamahal na kapatid sa Panginoong Hesukristo tayo po ay mapuno ng kagalakan at pasasalamat sa Diyos na siya pong nagdala sa atin sa gabing ito dito sa Manila Cathedral Basilica upang patuloy nating pagnilayan ang kahulugan

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Welcomes the Year of the Clergy and Consecrated Persons as it culminates Year of the Parish: Communion of Communities Homily

 5,757 total views

 5,757 total views Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Nov.30, 2017 – Thursday Minamahal na mga Kapatid sa Panginoong Hesukristo, una po sa lahat magpasalamat tayo sa Diyos sa Kaniyang kabutihan sa atin, sa ating mga parokya, sa ating mahal na Archdiocese of Manila. Lahat ng papuri ay sa Panginoon. Nagpapasalamat din po tayo dahil tinipon

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

1st Year Anniversary of Sanlakbay

 5,712 total views

 5,712 total views Homily His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Basilica de San Sebastian October 21, 2017 Mga minamahal na kapatid sa Panginoong Hesukristo, una po sa lahat magpasalamat tayo sa Diyos siya po ang nagtipon sa atin sa umagang ito upang sa pamamagitan ng kanyang salita, ng katawan at dugo ni Hesus at

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle
1st day of Novena Mass for the feast day of St. Rafael
San Rafael Parish, Balut Tondo Manila

 5,767 total views

 5,767 total views Mga minamahal na kapatid sa Panginoong Hesukristo, una sa lahat magpasalamat tayo sa pagtitipon na ginawa ng Diyos para sa atin, bilang isang sambayanan bilang isang pamilya. Lalu na po sa unang araw ng ating pagno-nobena, bilang paghahanda sa kapistahan ng ating patron si San Rafael. Ang novena ay paghahandang spiritual, naghahandang pangsambayanan

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily of His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Holy Cross Parish, Makati

 2,357 total views

 2,357 total views Sept. 13 9th day Novena Mass Ngayon po ang huling araw ng pagno-nobena ngayong bisperas ng kapistahan ng Tagumpay ng Krus ni Hesus. Ang atin pong fiesta sa taong ito ay napapaloob sa itinakda ng mga obispo ng Pilipinas bilang tema ng taong ito, walang iba kundi ang ‘Parokya bilang Communion of Communities’

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top