165 total views
Ang pinakamahalagang pakikipagtipan ay ang pakikipagtipan ng tao sa Panginoon.
Ito ang binigyang-diin ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa sa kanyang pagninilay sa 2017 Manila Archdiocesan General Pastoral Assembly (MAGPAS).
Ayon kay Cardinal Tagle, ang pag-aalay ng buong puso, isip at kaluluwa sa Panginoon ang pinakadakilang regalo na maibibigay ng tao sa Diyos.
“Napaka-holistic magkasama ang pakiki-ugnay kay Hesus at pakiki-ugnay sa community [dahil] ang diwa ay hindi lamang ito utos kundi deep communion in a covenant relationship,” pahayag ni Cardinal Tagle.
Binanggit rin ng Kanyang Kabunyian na dapat tumugon ang bawat isa sa tawag ng Diyos bilang isang bayan na kanyang tinipon at ang pagmamahal sa kapwa ay nangahulugang pagmamahal rin sa Dakilang Lumikha.
“Hindi puwedeng paghiwalayin kasi God made us His own people and if I love my God I will love God’s own people. I will love those whom God loves. Kasama sa covenant,” dagdag pa nito.
Hinamon ni Cardinal Tagle ang bawat mananampalataya na isabuhay ang pakikipagtipan sa Diyos at laging isapuso na tayo ay sa Kanya at Siya ay sa atin.
Ang MAGPAS ay taunang pagtitipon ng libu-libung layko, pari, madre, kabataan at ministry leaders ng Arkidiyosesis ng Maynila upang hubugin at hikayatin ang bawat mananampalataya sa pagpapanibago tungo sa nagkakaisang komunidad habang tinatalakay ang napapanahong usapin.