236 total views
Muling tumanggap nang pagkilala ang Filipino made film na Ignacio de Loyola sa katatapos lamang na 39th Catholic Mass Media Awards.
Ang pelikula ay tungkol sa pagbabalik loob ni St. Ignatius de Loyola na tumanggap ng special award mula sa CMMA at ang Serviam award para naman sa producer ng pelikula ang Jesuit Communication Philippines (JesCom).
“Our little film has surpassed our expectations. It is becoming the most widely seen religious film made by Filipinos. We are thankful for the chance to continue to spread the word of God and the inspiration of St. Ignatius,” ayon kay Rev. Fr. Emmanuel “Nono” Alfonso, SJ -JesCom head at “Ignacio de Loyola” executive producer.
Iginawad ang Serviam Award sa JesCom bilang pagkilala sa paglikha ng mga world class movies, books, music at concert na nagsusulong ng mabuting pag-uugali.
Ang CMMA ay itinatag ni dating Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin para bigyang pagkilala at hikayatin ang bawat isa na magsilbi sa Panginoon sa pamamagitan ng mass media sa pamamagitan ng paggawa ng mga makabuluhang programa, pelikula, at awitin.
Ipinalabas ang Ignacio de Loyola sa Pilipinas noong July 2016 at naipalabas din sa mga bansa tulad ng US, Papua New Guinea, sa United Kingdom, Espanya, Guam at Australia.
Naitala rin sa Espanya ang Ignacio De Loyola bilang ‘Top 10 highest grossing films’ para buwan ng Hulyo. Bukod sa CMMA, nakatanggap din ng pagkilala ang Ignacio de Loyola bilang Best Production Design, Best Musical Score, Best Cinematography at Best Sound sa 35th Luna Awards ng Film Academy of the Philippines.