184 total views
Pinaalalahanan nang isang religious priest ang mga layko na huwag ituring na ‘prinsipe’ ang mga pari ng Simbahang Katolika.
Ayon kay Father Ben Alforque, MSC dating district superior ng Missionaries de Sagrado Corazon at kasalukuyang convenor ng Promotion of Church People’s Response at Rise Up for Rights and Life, kabilang sa misyon ng mga pari ay tugunan at pangalagaan ang mga mananampalataya.
Hinimok ng pari ang mga layko na turuan silang magpakumbaba at maging mabuting minister ng Diyos at servants ng mga tao.
“Don’t spoil the clergy and the people in consecrated life. Don’t spoil them. But let them see the real conditions of Jesus, who identifies himself with the poor. And to be converted by the wishes, aspirations and struggles of the poor. Don’t allow them wallow in their power and authority. Teach them to be humble, and to be ministers of God and servants of the people,” ayon kay Fr. Alforque.
Hangad din ni Father Alforque sa kapwa pari na balikan ang mga turo ni Hesus at ang pagpapakumbaba bilang lingkod ng mga mananampalataya.
“They have to think like Jesus thought by thinking the way poor think. Not from the perspective of power and the center and authority. But from the perpective of love of the periphery, spirituality and in justice,” pahayag ni Fr. Alforque.
Sa mensahe ng Santo Papa Francisco sa mga pari at relihiyoso sa Colombia noong September 2017, sinabi nitong matatagpuan ang buhay na si Jesus sa mga komunidad na may nakakahawang kasiglahan at ang masigasig sa pagmimisyon.
Base sa tala noong 2013, ang Pilipinas ay may higit sa 9,000 mga pari para pangasiwaan ang may 86 na porsiyento ng mga katoliko sa bansa.
Patuloy namang tumataas ang bilang ng mga katoliko sa buong mundo na base sa 2015 report ito ay may kabuuang 1.3 bilyon o 17.7 percent ng kabuuang populasyon sa buong mundo.
Ngayong taon, bilang paghahanda sa ika-500 taon ng kristiyanismo sa bansa ipagdiwang ng simbahan ng Pilipinas ang Year of the Clergy and the Religious na magsisimula sa Disyembre 2017 hanggang Nobyembre 2018.