202 total views
Naniniwala si Sorsogon Bishop Arturo Bastes na nasa kamay ng gobyerno ang sagot upang maiahon ang bansa mula sa kahirapan.
Ayon kay Bishop Bastes, Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Mission magiging maunlad lamang ang buhay ng bawat Filipino kung pagtutuunan ng pansin ng pamahalaan ang kalagayan ng mga maralita at kung maibabahagi ng tama at pantay-pantay ang yamang taglay ng Pilipinas.
“We are going to have that idea of empowering the people. The people are poor because we have no power at all… The poor should be taken care of. The Philippine is rich only that not well distributed,” pahayag ni Bishop Bastes.
Sa halip na isulong ang mga pagpaslang, nanawagan ang Obispo sa kasalukuyang administrasyon na ituon ang atensyon sa pagtugon sa mga usaping pangbansa na matagal nang naghihintay ng kasagutan partikular na ang karukhaan at tuparin ang pangakong tunay na pagbabago.
“We cannot rely on the so-called excellence of president who made promises of change. Look now that Duterte, people are getting disappointed. Change change but what kind of change? That’s killing people, corruption is still there, poverty is still there,” pahayag ni Bishop Bastes.
Sa pag-aaral na isinagawa ng Asian Development Bank (ADB) noong 2015, 21.6 porsiyento ng kabuuang 103 milyong populasyon ng Pilipinas ang nakapailalim National Poverty Line.
Bilang pag-alala at pagbibigay importansya sa mga mahihirap sa iba’t ibang panig ng mundo, hinihiyakat ni Bishop Bastes katuwang ang iba pang Obispo ng simbahang Katolika na makiisa sa pagdiriwang World Day of the Poor sa darating na ika-19 ng Nobyembre.
READ: Maging instrumento ng kawanggawa at pag-ibig sa mga dukha