441 total views
Ito ang pagninilay ni CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant Peoples at Balanga Bishop Ruperto Santos sa nalalapit na pagdiriwang ng World Day of the Poor.
Ayon kay Bishop Santos, tungkulin ng bawat mananampalataya na ibahagi sa kapwa ang natatanggap na biya ng Panginoon dahil ang anumang tulong na ibinigay sa iba ay babalik ng doble, siksik at higit pa.
“We are much given by God so that we can share. We are blessed by God so that we can be blessings to others. And when we give and offer to those God favors -the least and the last- God will suffice more with our needs. To love God is to take care of brothers and sisters. How do we attend to them is our fulfilment of His command ‘love one another as I have loved you,” pahayag Bishop Santos sa Radyo Veritas.
Inihalimbawa rin ng Obispo ang programa na ginagawa ng diyosesis upang kahit sa maliliit na paraan ay matulungan ang mga nangangailangan lalo na ang mga matatanda, may sakit at mga inabandona.
“Here in the Diocese we have program for our catholic Diocesan schoolchildren of ‘Isang snack ko sa isang Linggo, isasakrispiyo ko para sa iyo’ and what they sacrifice and save from snacks are given for our redeveloped Obispado de Balanga home for the aged, sickly and abandoned Bataenos,” pagbabahagi ng Obispo.
Sa survey na isinagawang 2017 Social Weather Stations (SWS), 10.1 milyong pamilyang Filipino ang nagsasabing sila ay dukha.
Ipagdiriwang ng simbahang Katolika sa Linggo, ika-19 ng Nobyembre ang World Day of the Poor bilang paraan ng pagkilala at paglingap sa mga indibidwal na naisasantabi sa lipunan.