Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Hindi nakalilimot, hindi makalilimot

SHARE THE TRUTH

 171 total views

We do not forget, and we will not forget!

Sa mga salitang iyan, mga Kapanalig, tinapos ng ating mga obispo ang kanilang pahayag sa naging desisyon ng Korte Suprema noong nakaraang taon na nagpahintulot sa paglilibing sa diktador na si Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani. At eksaktong isang taon noong Sabado, Nobyembre 18, palihim na inihimlay ang diktador sa lugar na laan para sa mga bayani ng ating bayan. Isa ito sa mga unang accomplishments ni Pangulong Duterte na umaming idolo niya ang diktador.

Bago pa man pumayag ang Korte Suprema na ilibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani, naging sunud-sunod ang mga pagkilos ng iba’t ibang grupo, kabilang ang mga kabataan, upang ipakita ang pagtutol, hindi lamang sa kontrobersyal na desisyon ng Korte Suprema, kundi sa tinatawag na “historical revisionism.” Historical revisionism ang tawag sa pagbubura sa mga totoong pangyayari sa ating kasaysayan, gaya ng pagsasabing walang kinalaman ang rehimeng Marcos sa malawakang paglabag sa karapatang pantao noong panahon ng martial law.

Hindi nakalilimot ang taumbayan. Hindi rin nakalilimot ang Simbahan, lalo na’t sa lente ng Catholic social teaching, salungat sa mga prinsipyong pinanghahawakan natin ang kilalaning “bayani” ang isang pinunong nilapastangan ang dangal ng mga mamamayan ng kanyang bansa.

Sa paglibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani, mistulang niyurakan na rin ang dignidad ng tao dahil ginawa nitong lehitimo ang napakaraming paglabag sa karapatang pantao—lalo na ang karapatang mabuhay—sa ilalim ng Martial Law.

Sa paglibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani, mistulang inilibing din ang tunay na katotohanan, ang katotohanang maraming dinakip, ikinulong, at pinapatay sa mga pumuna sa mga maling ginagawa ng mga pinuno ng bansa.

Sa paglibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani, nawalan ng bigat ang halaga ng tunay na katarungan, dahil mistulang itinuwid nito ang malawakang pangungurakot at pagnanakaw sa kaban ng bayan ng pamilya Marcos at mga cronies nito. Pinakamalinaw na halimbawa ito ng tinatawag na “culture of impunity” o ang hindi pagpapanagot sa mga taong may malaking paglabag sa ating mga batas.

Sa paglibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani, muling nabuksan ang mga sugat sa puso ng mga indibidwal at pamilyang biktima ng karahasan sa ilalim ng dalawang dekadang pagkapit sa kapangyarihan ni Marcos. Ibinalik nito ang hapis sa mga maralitang nagdusa sa ilalim ng isang rehimeng kumampi sa mga mayayaman. Isinantabi nito ang sakripisyo ng lahat ng nagbuwis ng buhay para sa demokrasya.

Sa paglibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani, mistulang naging “normal” ang paggamit ng estado ng dahas, dahas na kumitil ng maraming buhay noon, at nagpapatuloy pa rin hanggang ngayon.

Sa paglibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani, ginawang katanggap-tanggap ang paglalagay ng kapangyarihan sa kamay ng iisang tao sa halip na ibigay ito sa taumbayan. Binalewala ang tagumpay ng mga kilusan ng mga mamamayang nagpatalsik sa isang mapanupil na rehimen sa mapayapang paraan.

Mga Kapanalig, taliwas sa paniwala ni Pangulong Duterte at ng mga katulad niyang tinitingala si Marcos, hindi nahilom—bagkus ay lumalim pa—ang sugat ng ating bayan sa paglibig sa isang diktador sa Libingan ng mga Bayani. Maaaring sabihin ng administrasyong natuldukan na ang isyung ito, at marami pang mas mahahalagang isyu ang dapat pagtuunan ng pansin ngayon. Ngunit may mga kaakibat na panganib ang paglibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani, at naaaninag natin ito sa mga pahayag at patakarang isinusulong ng kasalukuyang administrasyon—mga pahayag at patakarang walang pagkilala sa kahalagahan ng buhay ng tao, sa proseso ng batas, at sa makahulugang pakikilahok ng mamamayan sa pamamahala. Lahat ng ito’y nagpapahiwatig ng isang diktadura.

Huwag tayong makalilimot, mga Kapanalig.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 16,151 total views

 16,151 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 30,807 total views

 30,807 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 40,922 total views

 40,922 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 50,499 total views

 50,499 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 70,488 total views

 70,488 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 16,152 total views

 16,152 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 30,808 total views

 30,808 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 40,923 total views

 40,923 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 50,500 total views

 50,500 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 70,489 total views

 70,489 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 47,352 total views

 47,352 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 42,377 total views

 42,377 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 45,946 total views

 45,946 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 58,401 total views

 58,401 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 69,468 total views

 69,468 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 75,787 total views

 75,787 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 80,399 total views

 80,399 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 81,959 total views

 81,959 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 47,520 total views

 47,520 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 69,163 total views

 69,163 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top