Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ang kaparian at ang panlipunang katuruan ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

 754 total views

Mga Kapanalig, itinalaga ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) ang kasisimula pa lamang na liturgical year ng ating Simbahan bilang Taon ng Kaparian at mga Taong Konsagrado o Year of the Clergy and Consecrated Persons.

Bakit kailangan ng taón para sa kaparian?  Hindi ba taón ng kaparian ang lahat ng taón sa Simbahan? Malalim ang pinagmumulan ng ganitong tanong. Ano bang uri ng Simbahan ang ipinalalaganap ng ating kaparian? Ito ba ay Simbahang nakasentro sa kanila at pinamumunuan nila, o tunay ng sambayanan ng Diyos na nilalahukan ng lahat?

Isang paraan ng pagkilatis sa uri ng Simbahang pinaiiral ng ating kaparian ay ang paglapat sa kanila ng ilang prinsipyo ng Catholic social teaching.

Unang prinsipyo: likas na dangal ng bawat tao. Kinikilala ba ng ating mga pari ang dangal ng lahat, anuman ang kasarian, edad, o estado sa buhay? Sinisikap ba nilang huwag isantabi, bagkus isama at pagsilbihan, ang mga taong naiiba—ang mga dukha, ang naiiba ang oryentasyong sekswal, ang mga nasa relasyong kung tawagin ng Simbahan ay irregular, tulad ng hiwalay sa asawa o nakikisamang hindi kasal?  O namimilì ba sila ng uri ng taong isasama sa kanilang kawan?

Pangalawang prinsipyo: pangkalahatang patunguhin ng materyal na bagay at pribadong pag-aari. Itinuturing ba ng ating mga pari ang kayamanan ng kanilang mga parokya, ministeryo, at apostolado bilang kayamanang pinag-iingatan para sa kapakanan ng kanilang pinagsisilbihan, lalung-lalo na ang mahihirap?  May transparency ba ang paggamit nila sa kayamanang ito? O itinuturing ba nila itong pribadong kayamanang hindi dapat pakialaman ng mga laiko? O ‘di kaya ginagasta nila ito sa magagarang sasakyan o pinakabagong gadgets, o sa pagpapaganda ng kanilang mga kumbento?

Pangatlong prinsipyo: mapagkiling na pagmamahal sa mahihirap. Sinisikap ba ng ating mga pari na maramdaman ng maralita na welcome sila sa Simbahan? Hinihikayat ba nila ang mahihirap na sumama sa ministeryo, apostolado, at ibang samahan ng parokya?  Pinipili ba silang maging pinuno ng mga samahan? O baka naman mga mayayaman lamang ang inaalagaan ng ating mga pari, at sila ang itinatalaga sa mga ministeryo, apostolado, at samahan ng parokya, dahil sila raw ang malaking mag-ambag ng salapi?

Pang-apat na prinsipyo: pagkilala sa halaga ng paggawa.  Sapat ba ang sahod at benepisyong iginagawad ng ating mga pari sa manggagawa sa kanilang parokya, ministeryo, o apostolado?   O baka naman tinitipid nila ang mga ito dahil nagtatrabaho naman daw sila para sa Diyos? Kinikilala ba ng ating mga pari ang halaga ng gawain ng lahat ng volunteers sa Simbahan, gaano man kaliit o katagô? O baka mga leaders lamang at mga star ang binibigyang parangal?

Panlimang prinsipyo: pagbibigay-kapangyarihan sa taumbayan. Pinalalakas ba ng ating mga pari ang mga laiko upang makilahok sila sa mga pasya tungkol sa parokya, ministeryo, o apostolado?  Tinuturuan ba sila ng mga prinsipyong makagagabay sa pagpapasyang ito?  Dinidinig ba ang mga hinaing nila tungkol sa pagpapalakad ng parokya, ministeryo, o apostolado? O baka naman si Father ang nagpapasiya ng lahat, at sunud-sunuran lamang ang mga laiko? Baka naman sinusupil nila ang pagpapahayag ng mga laiko ng sariling opinyon, lalo kung taliwas sa opinyon nila?

Mga Kapanalig, kung tatalima ang ating mga pari sa mga prinsipyo ng Catholic social teaching, hindi ba mas matutulad sila sa Panginoong Hesukristong isinusugo nila sa daigdig?

Ipagdasal natin ang ating kaparian. Nawa’y sa taóng ito ng Kaparian at Mga Taong Konsagrado, hindi ang mataas nilang posisyon sa Simbahan ang pagtuunan nila ng pansin, kundi ang paggiging kinatawan ni Kristo—isang paring kumilala sa dangal ng lahat, hindi nagkakamal ng yaman para sa sarili, may mapagmahal na pagkiling sa mahihirap, kumilala sa halaga ng paggawa, at nagbigay-kapangyarihan sa kaniyang mga disipulo.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 35,390 total views

 35,390 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 50,046 total views

 50,046 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 60,161 total views

 60,161 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 69,738 total views

 69,738 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 89,727 total views

 89,727 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 35,391 total views

 35,391 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 50,047 total views

 50,047 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 60,162 total views

 60,162 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 69,739 total views

 69,739 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 89,728 total views

 89,728 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 49,072 total views

 49,072 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 44,097 total views

 44,097 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 47,666 total views

 47,666 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 60,121 total views

 60,121 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 71,188 total views

 71,188 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 77,507 total views

 77,507 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 82,117 total views

 82,117 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 83,677 total views

 83,677 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 49,238 total views

 49,238 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 69,591 total views

 69,591 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top