155 total views
Apat napu’t dalawang taon matapos na mawala ang imahe ng Birhen ng Kotta o kilala rin bilang Señora de Triunfo de Ozamis ay uuwi na ito sa araw ng kapistahan ng Immacuda Conception sa ika-8 ng Disyembre sa Ozamis City, Misamis Occidental.
Ayon kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad, isang malaking pagdiriwang ang inihanda ng lalawigan sa pagdating ng imahe lalu’t ipagdiriwang din ang kapistahan sa Ozamis City.
Mula sa airport ay magkakaroon ng motorcade bilang pagsalubong sa imahe ng Birhen ng Kotta at isang misa pasasalamat din ang idaraos dakong alas-9 ng umaga sa Immaculate Concepcion Cathedral.
Ang pagkakatagpo at pagbabalik ng imahe ayon kay Archbishop Jumoad ay dahil sa kabutihang loob ni Jose Vicente Esposo na isauli sa mga mananampalataya ng Ozamis ang imahe na unang dumating sa lalawigan taong 1756.
“Out of his faith and conviction, out of generosity he will return the image. Maraming salamat kay JV Esposo. Kung nakikinig siya ngayon. Maraming salamat,” ang bahagi ng pahayag ni Archbishop Jumoad.
Nagagalak ang mananampalataya ng Ozamis City sa pagkakatagpo ng kanilang matagal nang nawawalang imahe ang Señora de Triunfo de Ozamis na sinasabing nawawala simula 1975.
Ayon kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad, ang imahe ay dumating sa Ozamis noong 1756 at ito ay orihinal na nakalagay sa dambana ng Birhen ng Kotta o Virgin of the Fort.
Sa ulat, ang imahe ay nakita sa isang auction sa Manila Peninsula at napag-alaman na ito nga ang nawawalang imahe ng Ozamis na nabili naman ni Esposo.
Ang Nuestra Señora de Triunfo o Our Lady of Triumph at pinaniniwalaang milagrosa na kalimitang dinarayo ng mga pilgim tuwing ika-16 ng Hulyo (feast of Mt. Carmel) at ika-8 ng Disyembre (feast of Immaculate Conception). Ito rin ay nagsisilbing gabay sa mangingisda ng Panguil Bay.
Ang arkidiyosesis ay binubuo ng 43 mga pari na nangangasiwa sa 22 parokya.
Ang lalawigan ay binubuo ng higit sa 600 libong populasyon na may 70 porsiyento ang mga Katoliko