153 total views
Pamarisan ang pagpapahalaga at pagtatangi sa buhay ng Mahal na Ina.
Ito ang hamon sa mga mananampalataya ni CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People Chairman at Diocese of Balanga Bishop Ruperto Santos kaugnay sa pagdiriwang ng dakilang kapistahan ng Mahal na Birhen ng Immaculada Concepcion.
Aniya, naging instrumento ng Panginoon ang Mahal na Ina upang matamasa ng sangkatauhan ang kaligtasan na maging sentro ng pagdiriwang.
“God is faithful. He fulfilled His promise. He sent us Jesus to save us and the blessed Mother is God’s instrument for our salvation. With her fiat Jesus is born.Let us be like the Blessed Virgin Mary to yes to life, to preserve life, to promote life,” paghihikayat ni Bishop Santos.
Sa pamamagitan ng Apostolic letter Impositi Nobis ni Pope Pius XII na ibinaba noong Setyembre 12, 1942, idineklara nito ang Birheng Maria sa ilalim ng titulong Immaculada Concepcion bilang Principal Patroness o pangunahing patrona ng Pilipinas sang-ayon na rin sa kahilingan ng mga Obispo.
Kaugnay nito, isinunod sa titulo ng Immaculada Concepcion ang 14 sa 91 mga cathedral sa buong bansa kabilang na ang Minor Basilica and Metropolitan Cathedral sa Intramuros gayundin ang Cubao, Pasig at Malolos cathedral.
Una nang sinunspinde ng pamahalaan ang pasok sa piling paaralan sa Luzon, Visayas at Mindanao bilang pagbibigay-galang at pagpupugay sa kapistahan ng Mahal na Birhen.