216 total views
Hindi isang pagpaparangal sa Inang Maria ang paggawad ng korona kundi ang karangalan ay para sa kadakilaan ng kaniyang anak na si Hesus.
Ayon kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, ang paggagawad ng korona sa Mahal na Birhen ay ang pagtupad nito sa misyon na isilang ang anak ng Diyos.
“Remember, Jesus was crown with thorns. And the crown, the glory, the splendor of Mary is not herself. Not her merit. Not her achievements, but her crown was her Son,” ayon kay Cardinal Tagle.
Hinikayat din ni Cardinal Tagle ang bawat mananampalataya na tularan ang Mahal na Ina sa pagtupad sa utos ng Diyos tungo sa kabutihan at maging bahagi ng korona nito sa pagniningning bilang pagdakila sa Panginoon.
“At sana po, tayo rin maging a ‘bit’ of the crown of glory of Mary. We, who have descended from Adam in sin but also Her children in the glory of Jesus,” ayon pa sa Cardinal.
Umaasa si Cardinal Tagle na maging bahagi rin ang tao ng korona ni Maria bilang mga kapatid ni Hesus at sa pamamagitan natin magluningning ang Mahal na Birhen bilang disipulo at Ina.
“It is not enough to put a crown on her, we have a mission. We have to show the world,” ayon kay Cardinal Tagle.
Ipinaliwanag ni Cardinal Tagle na ang koronasyon sa Mahal na Ina ay naiiba sa mga korona sa mundo na pinag-aawayan at pinag-aagawan.
“The coronation of the blessed mother is quite different to the crowns of this world. And the coronation of so many people who aspire to have crowns. It’s not just adding a decoration. Ito po ay pagkilala sa matagal na panahon…Maraming tao ang lumago sa pananampalataya at sa misyon na ipakilala si Hesus sa tulong ng isang imahe. And through the testimony of the faithful,” mensahe ni Cardinal Tagle sa paggawad ng pahintulat ng Santo Papa Francisco ng Canonical Coronation ng imahe ng Nuestra Senora Del Pilar sa Our Lady of Del Pilar Parish sa Sta. Cruz Manila.
Ang imahe ng Nuestra Senora Del Pilar ang ika-37 imahe ng Mahal na Ina na ginawaran ng canonical coronation sa buong bansa.
Ang Nuestra Senora del Santisimo Rosario de la Naval sa lungsod ng Quezon ang kauna-unahang imahe ng Mahal na Ina sa Pilipinas na ginawaran ng korona noong 1907.