202 total views
Aminado ang Philippine National Police – Drug Enforcement Group (DEG) na malakas at malawak ang impluwensiya ng Simbahan sa kasalukuyang anti-illegal drugs campaign ng pamahalaan.
Pagbabahagi ni PNP- DEG Director Chief Superintendent Joseph Adnol, tanggap ng mga alagad ng batas ang malawak na impluwensya ng Simbahan sa mga mamamayan sa paraan ng pagsugpo ng mga otoridad sa illegal na droga.
Kinilala din ni Adnol ang malaking papel at matutulong ng Simbahan upang makipag-ugnayan sa pamayanan para ganap na masugpo ang ipinagbabawal na gamot.
“Sa katotohanan malakas po ang impluwensya ng Simbahan sa mamamayan para sa pagsugpo ng illegal na droga lalong lalo na po yung paki-cooperate at pagmanman sa kapulisan natin para po mabantayan sa kanilang trabaho…” pahayag ni Adnol sa panayam sa Radio Veritas.
Unang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang muling pagbalik ng PNP sa kampanya ng pamahalaan laban sa illegal na droga bilang katuwang na ahensya ng Philippine Drug Enforcement Agency.
Kaugnay nito sa tala ng PDEA 92-porsiyento ng mga barangay sa Metro Manila ay apektado ng droga.