Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Martial law ba ang solusyon?

SHARE THE TRUTH

 409 total views

Mga Kapanalig, inaprubahan noong nakaraang linggo ng mayorya ng mga mambabatas ang pagpapalawig ng batas militar sa buong Mindanao nang isang taon pa, batay na rin sa kahilingan ni Pangulong Duterte. Sang-ayon ba kayo sa pag-extend ng batas militar sa Mindanao? Hatî ang publiko sa isyung ito, ngunit nangibabaw sa Kongreso ang kagustuhan ng administrasyong Duterte kahit pa ipinagmalaki nitong napatay na ang mga lider ng Maute at malaya na raw ang sinirang lungsod ng Marawi.

Para saan daw ang isang taóng martial law sa Mindanao? Sa liham na ipinadala ng pangulo sa Kongreso, sinabi niyang batay sa ulat ng Sandatahang Lakas, patuloy na nagre-recruit at at nagsasanay ng mga bagong miyembro ang mga teroristang grupo sa Mindanao. Inisa-isa rin sa liham ang mga pag-atakeng ginawa ng mga terorista upang ipakita ang malaking pinsalang mangyayari kung hindi sila mapipigilan. Tinapos ng pangulo ang kanyang liham sa pamamagitan ng pagsasabing kailangan ang martial law sa Mindanao upang mapigilang umabot ang masasamang gawain ng mga terorista sa ibang bahagi ng bansa.

Hindi isinasapubliko ang impormasyong hawak ng Sandatahang Lakas, na humarap din sa deliberasyon sa Kongreso, ngunit umaasa tayong nakalap iyon sa mahusay at masinop na paraan. Gayunman, nananatili pa rin ang tanong na: kailangan ba talaga ang batas militar sa Mindanao upang pigilan ang mga banta sa seguridad? Sa ibang bansang may banta rin ng terorismo, hindi nila kinailangang suspindihin ang pribiliheyo ng writ of habeas corpus o arestuhin ang sinuman nang walang warrant. Hindi ba magagawa ng mga kinauukulan ang pagpigil sa terorismo nang hindi isinasailalim ang buong Mindanao sa martial law?

May mga eksperto sa batas ang nagtatanong din kung alinsunod sa Saligang Batas ang pagpapalawig ng martial law. Sinasabi po sa ating Konstitusyon na pinahihintulutan ang pagsasailalim sa isang lugar sa batas militar kung may pagsalakay o pananakop at rebelyon, at kinakailangang protektahan ang kaligtasan ng publiko. Maituturing bang rebelyon ang mga nagaganap na pag-atake sa Mindanao? Wala pong nakasaad sa Saligang Batas na pinahihintulutan ang pagpapalawig ng batas militar upang paghandaan ang nagbabadyang pananakop o rebelyon. Sa madaling salita, may ibang paraan upang maisagawa ng mga kinauukulan ang anumang dapat nilang gawin upang panatilihing mapayapa ang isang lugar. Dito mahalaga ang pagkakaroon ng mahusay na intelligence work o pangangalap ng mahahalagang impormasyon nang hindi kinakailangang limitahan ang kalayaan ng mga inosenteng mamamayan, at nang hindi lamang gagamit ng dahas laban sa mga sinasabing kalaban ng estado.

Nakatatakot na tila ba sinasanay ng administrasyon ang taumbayan, lalo na ang mga taga-Mindanao, sa isang pamamalakad na nakasalalay sa puwersang militar. May mga mambabatas mula Mindanao na nagsabing pabor ang kanilang mga nasasakupan sa pagpapalawig ng batas militar, ngunit natanong kaya nila ang libu-libong taga-Marawi na nawala ang halos lahat sa kanila matapos ang ilang buwang bakbakan? Paano nakaaambag ang martial law sa pagbubuo ng isang kultura ng kapayapaan na kailangang pandayin araw-araw upang maitanim ito sa puso ng bawat isa? Hindi kaya ang mga programang pang-edukasyon, panghanapbuhay, pangkalusugan, at pangkatarungan ang dapat na i-extend sa Mindanao sa halip na ang batas militar?

Nakalulungkot ding tila ba isinasantabi ang Saligang Batas para lamang masunod ang nais ng isang pinuno. Binibigyang-diin sa mga panlipunang katuruan ng Simbahan ang prinsipyo ng rule of law: “law is sovereign and not the arbitrary will of individuals.” Mahalagang sinusunod ang nakasaad sa ating Saligang Batas dahil ito ang pananggalang natin laban sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga namumuno at sa pagsupil sa kalayaan ng mga pinamumunuan.
Mga Kapanalig, huwag sanang maging hudyat ang pagpapalawig ng batas militar sa Mindanao upang sanayin tayong lahat sa pamamahalang walang pagkilala sa mapayapang pagtugon sa mga isyu ng bansa, at walang paggalang sa mga batayang batas ng bayan.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 40,542 total views

 40,542 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 51,617 total views

 51,617 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 57,950 total views

 57,950 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 62,564 total views

 62,564 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 64,125 total views

 64,125 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 40,543 total views

 40,543 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 51,618 total views

 51,618 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 57,951 total views

 57,951 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 62,565 total views

 62,565 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 64,126 total views

 64,126 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 43,698 total views

 43,698 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 66,360 total views

 66,360 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 71,936 total views

 71,936 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 77,417 total views

 77,417 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 88,530 total views

 88,530 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 84,529 total views

 84,529 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 72,231 total views

 72,231 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 80,713 total views

 80,713 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 73,772 total views

 73,772 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 80,696 total views

 80,696 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top