169 total views
Kasabay ng ating pagdiriwang sa kapanganakan ng tagapaglitas, tayo ay umaapela ng tulong at donasyon sa ating mga Kapanalig para sa mga nasalanta at naapektuhan ng Bagyong Vinta at Bagyong Urduja sa Visayas at Mindanao.
Tinatayang aabot sa mahigit 18 libong Pamilya o mahigit sa 72 libong Indibidwal ang naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Vinta batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council habang nasa halos 282 libong pamilya naman ang naapektuhan ng bagyong Urduja.
Patuloy naman sa pagkilos ang mga kinatawan ng Simbahang katolika sa mga naapektuhan Diyosesis upang makatulong sa mga naapektuhang pamilya lalo na’t marami ang nawalan ng tahanan, pagkain at hanapbuhay.
Dahil dito, bukas ang tanggapan ng Caritas Manila para sa ano tulong o donasyon na maibabahagi sa ating mga nasalantang kapanalig.
Para sa cash donation maaring maghulog sa account name na Caritas Manila Inc.
sa mga sumusunod na bank account:
Banco De Oro – Savings Account No.: 5600-45905
Bank of the Philippine Islands – Savings Account No.: 3063-5357-01
Metrobank – Savings Account No.: 175-3-17506954-3
FOR DOLLAR ACCOUNTS:
Bank of the Philippine Islands – Savings Account No. 3064-0033-55 Swift Code – BOPIPHMM
Philippine National Bank – Savings Account No. 10-856-660002-5 Swift Code – PNBMPHMM
Maaring naman ipadala ang in kind donation sa Caritas Manila Compund 2002 Jesus St. Pandacan Manila o dito sa himpilan ng Radyo Veritas sa 162 West Ave. Cor EDSA Quezon City.