387 total views
Pagdarasal at pagtulong sa kapwa ang tunay na nagbibigay ng swerte sa bawat isa.
Ito ang paglilinaw ng Ozamis Archbishop Martin Jumoad kaugnay na rin sa mga pamahiin at ilang kaugalian ng mga Filipino sa pagsalubong ng Bagong Taon tulad ng paggamit ng paputok.
“We live in peace and help one another. Yung corporal works of mercy iyon po ang magbibigay sa atin ng swerte. Kasi whatever you give and share to people ito po ay parang echo. It will go back to us in hundred folds. So maganda ang swerte talaga ay yung tayo ay may compassionate heart that will help who are need. The Lord who sees the good things that what we are doing will double the grace you share to people. Iyun ang swerte sa ating buhay,” paliwanag ni Archbishop Jumoad.
Base sa tradisyon, ang pagpaputok at pag-iingay sa pagsalubong ng bagong taon ay nagtataboy ng malas at masasamang espiritu.
“Parang superstitious lang yung mga ganyan, wala ‘yan sa teachings of the church,” paliwanag pa ni Archbishop Jumoad.
Pinuri rin ng arsobispo ang naging kautusan ng Pangulong Rodrigo na ipagbawal ang malalakas na paputok at magkaroon na lamang ng designated areas para sa mga fireworks display sa iba’t ibang lugar.
Layunin ng executive order 28 na mabawasan ang mga naitatalang biktima ng paputok sa pagsalubong sa New Year.
Kabilang sa mga ipinagbabawal ay ang paggamit ng piccolo, super lolo, whistle bomb, goodbye earth, atomic bomb triangulo o anumang firecrackers at pyrotechnic devices na naglalaman ng higit sa 2 gramo ng gun powder.
Sa pinakahuling tala ng Philippine National Police, may 20 na ang biktima ng firecracker-related injuries simula December 16.
Sa pagsalubong ng taong 2017, naitala ng Department of Health (DoH) ang 630 firecracker-related injuries na 32 porsiyentong mas mababa kumpara sa mga nakalipas na taon.