228 total views
Karagdagang pahirap at pasakit sa Overseas Filipino Worker na si Mary Jane Veloso ang desisyon ng Court of Appeals na nagbabaliktad sa naunang desisyon na tanggapin ang testimonya nito mula sa piitan ng Yogyakarta,Indonesia laban sa mga illegal recruiters na sina Maria Christina Sergio at Julius Lacanilao.
Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, Chairman ng CBCP- Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, hindi tunay na maipagtatanggol ni Mary Jane ang kanyang sarili kung hindi siya pahihintulutang magbigay ng kanyang testimonya.
Iginiit ng Obispo na si Veloso ang dapat na iligtas, ipagtanggol at nangangailangan ng proteksyon at hindi sina Sergio at Lacanilao na naglagay sa bingit ng kamatayan sa OFW.
“The CA decision is just an added pain and continuous agony for Mary Jane. MJ is the unwilling victim, used and duped by Cristina Sergio and Julius Lacanilao. How can MJ defend herself and prove her innocent when CA prevents her from testifying against her traffickers? It is seems CA giving leeway Sergio and Lacanilao. It is to MJ must be protected, defended and be saved, not the human traffickers.”pahayag Bishop Santos.
Kaugnay nito, hinimok rin ng Obispo si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na gumawa ng hakbang at pumagitna sa naturang desisyon ng Court of Appeals sa pamamagitan ni Solicitor General Jose Calida.
Ayon kay Bishop Santos kung talagang hindi katanggap-tanggap para sa Pangulo ang pagpapataw ng Temporary Restraning Order o TRO ay dapat itong manindigan at iakyat sa Korte Suprema ang kaso upang matulungan rin ang pamilya ni Mary Jane Veloso.
“The President thru solicitor general Jose Calida could question the decision of CA not to allow MJ deposition. The President rejects and criticises the use of TRO. And CA at first issues TRO against the decision of Nueva Ecija RTC branch 88 to allow MJ deposition in Indonesia. And now CA prevented MJ deposition. Thru the solicitor general it should be elevated to Supreme Court.” Apela ni Bishop Santos.
Taong 2010 ng makulong at mapatawan ng parusang kamatayan si Mary Jane Veloso sa Indonesia matapos na mahulihan ng 2.6-kilo ng illegal na droga na nagkakahalaga ng 500-libong dolyar.
Taong 2015, bago ang nakatakdang pagbitay sa kanya ay nabigyan si Mary Jane ng reprieve o pansamantalang ipinagpaliban ang kanyang pagbitay upang bigyang daan ang paglilitis sa kasong inihain sa Pilipinas laban sa sinasabing illegal recruiters na sina Maria Christina Sergio at live-in partner nitong si Julius Lacanilao para patunayan na biktima lamang ang OFW ng human trafficking.
Makalipas ang 3 taon ay muling nananawagan si Veloso at ang kanyang pamilya sa pamahalaan upang siya ay matulungan at mapatawan ng kaukulang kaparusahan sina Sergio at Lacanilao.