155 total views
Hinimok ng pamunuan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga mananampalataya na ipanalangin ang nakatakdang pagpupulong ng mga Obispo ng Simbahang Katolika sa Pilipinas na isasagawa sa Cebu City.
Ayon kay CBCP President, Davao Archbishop Romulo Valles, nawa ay maging mabunga at maliwanagan ang bawat isa na makikibahagi sa isasagawang pagpupulong.
“And please for your bishops during our annual plenary assembly in Cebu City. We need your prayers so that we will really be enlightened and we would be fruitful in our discussions regarding what we would do as we move forward as church leaders of the church in the Philippines,” panalangin pa ni Archbishop Valles.
Ayon kay Archbishop Valles, unang bahagi ng assembly ay ang isasagawang seminar at pagtalakay ng mga obispo sa bagong guidelines na mula sa Roma tungkol sa priestly formation.
“We also discuss priestly life and consecrated persons, that’s the theme of this year of the Clergy and Consecrated Person that will be part also of the discussions in the plenary of the CBCP,” paliwanag pa ni Archbishop Valles.
Ikalawang bahagi ayon kay Archbishop Valles ay ang pag-uulat at ang plano para sa pagdiriwang ng ika-500 taon ng Kristiyanismo sa bansa sa taong 2021.
Isasagawa ang ika-116 Plenary Assembly simula Enero 22-29 sa Cebu City.
Ito rin ang kauna-unahang pagpupulong ng CBCP kasama ang mga bagong opisyal ng simbahan sa Pilipinas na pangunguhan ni Archbishop Valles at vice-president Caloocan Bishop Pablo Virgilio David.