235 total views
Hindi ang mga itinalaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na Consultative Committee na magsusuri sa 1987 Constitution ang magtatakda ng panibagong konstitusyon ng bansa.
Ito ang nilinaw ni San Beda College Graduate School of Law Dean Father Ranhilio Aquino, isa sa mga itinalaga ng pangulo na miyembro ng 25-member consultative committee.
Ipinaliwanag ni Fr.Aquino na ang tungkulin ng consultative committee bilang mga eksperto sa Saligang Batas ay suriin ito at makapagbalangkas ng naaangkop na hakbang para sa pag-amyenda ng 1987 Constitution.
Pagbabahagi pa ng Pari, mayroon ng draft constitution ang Mababang Kapulungan ng Kongreso kung kaya’t iginigiit ng mga Kongresista ang pagsusulong ng pagrebisa o pag-amyenda ng Saligang Batas kahit pa walang partisipasyon ang Senado.
“I just have to tell this to the people, I don’t think that they should think that the consultative committee will cast a new constitution by itself kasi sa totoo lang may draft na constitution na hawak-hawak na ng Lower House and that is why they are pushing to be able to introduce revisions or amendments to the constitutions kahit wala na ang Senado because may draft na sila, so iba yung trabaho namin talaga its not to write from zero.” paglilinaw g ni Father Aquino sa panayam sa Radio Veritas.
Samantala, itinuturing naman ni Fr. Aquino na isang karangalan ang kanyang pagkakabilang sa kumite na isang paraan upang kanyang lubusang mapagsilbihan ang bansa sa pamamagitan ng pagbabalangkas ng isang bagong Saligang Batas.
Bukod dito tiniyak rin ng Pari, ang kanyang pagiging mapanuri at mapagbantay upang walang makalusot na anumang probisyon o panukalan na isang pagmamalabis sa konstitusyon.
“I would be doing our country a service by contributing what I can naman sa pagbabalangkas ng isang bagong saligang batas and seeing to it na I serve as some kind of a watch-dog against some excesses that may find a way into the constitution…” Pagtiyak ni Fr. Ranhilio Aquino.
Kaugnay nito, nanindigan si Fr. Aquino na ang pag-amyenda ng konstitusyon ay dapat na para lamang sa natatanging layuning mapaganda at maisaayos ang pamamahala ng bansa sa pagsusulong ng pagkakaroon ng mas epektibong Saligang Batas at hindi nararapat na gamitin para sa pansariling interes ng mga mambabatas tulad na lamang ng term extension.
“You know kasi when you revise a constitution everything is open for revision but definitely I personally opposed to revising the constitution for the purpose of extending term limit because you will then be using the revision as a means to extend term limit which to me is wrong, we revise the constitution because we think we need a more effective form of government kung yun talaga ang pakay natin pero if they want to revise the constitution to extend term limit I will not be a part of that…” Giit ni Fr. Aquino.