236 total views
Ang pagpapasakit para sa iba ay hindi paghihirap dahil sa pagtanggap at pagyakap ng nakaatang na misyon.
Ito ang mensahe ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa kapistahan ni Blessed Takayama Ukon na kilala rin na si Don Justo Takayama sa misang ginanap sa Manila Cathedral Basilica Minore of the Immaculate Concepcion.
“Let us find meaning in suffering. His mission is to fulfill the will of the Father that humanity may be saved. Jesus glorifies the Father by fulfilling his mission and if suffering is involve in fulfilling His mission he says, yes! He is saying yes to a mission! And if suffering is included in the mission, He will accept it too as he accepts His mission,” ayon kay Cardinal Tagle.
Ayon kay Cardinal Tagle, dapat hanapin ng bawat isa ang dahilan ng misyon bilang pakikipag-isa kay Hesus na nagbata ng hirap para sa kaligtasan ng sanlibutan.
“So it was a moment to glorify God. It is also a moment for Him to be a seed of grain falls to the earth and dies. It is a suffering with other people. By His suffering He becomes one with the earth, one with human beings, one with suffering creation. His suffering is an act of solidarity. So it is not just enjoying suffering, it is a suffering that has a meaning. It is a suffering for a mission it is suffering for the others. And so it is not just suffering it is giving of my life so that others may live. The world sees sufferings but the Jesus a gift of life,” dagdag pa ni Cardinal Tagle.
Tulad ng karaniwang tao ayon kay Cardinal Tagle ay nahaharap din sa iba’t ibang pagpapakasakit hindi para sa sarili kundi para sa kaniyang kapwa.
Kabilang sa nakiisa sa misa ang anim na obispo mula sa Japan ang misa para sa kauna-unahang kapistahan ni Blessed Takayama na isang Japanese Samurai na isinilang noong 1552, isang binyagang katoliko at nakaranas ng pag-uusig makaraang ipagbawal ang kristyanismo sa Japan noong 1614.
Bineyatipikahan si Takayama Ukon noong February 7, 2017 na pinangunahan ni Cardinal Angelo Amato bilang kinatawan ng Santo Papa Francisco na ginanap sa Osaka- ito isang hakbang patungo sa pagiging banal o santo ng simbahang katolika.
Sa halip na talikuran ang kaniyang pananampalataya, si Takayama kasama ang may 300 mga hapon ay nagtungo sa Maynila at unang kinupkop ng mga Heswita.
Ayon pa sa ulat, naging tanyag sa Japan si Takayama kung saan may 300,000 ang kanyang naging tagasunod noong 1600’s.
Base sa 2015 report may isang milyon na ang bilang ng mga kristiyano sa Japan, kalahati sa bilang nito ay mga katoliko na binubyo ng 16 na diyosesis; 1,589 na mga pari para sa 848 na parokya.