Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Isang mundong walang nuclear weapons

SHARE THE TRUTH

 323 total views

Mga Kapanalig, mistulang mga batang nagtutuksuhan ang mga lider ng Estados Unidos at North Korea sa kanilang patutsadahan tungkol sa kani-kanilang puwersang nuklear o nuclear arsenal. Nagsimula ito sa talumpati noong bagong taon ni Kim Jong-un, ang lider ng North Korea, kung saan binantaan nito ang Estados Unidos na kumpleto na ang nuclear arsenal ng kanyang bansa, at nasa mesa lamang niya ang button o pindutan sakaling maghamon ang kanyang kalaban ng giyera. Idinaan naman sa social media ni Donald Trump, ang pangulo ng Estados Unidos, ang kanyang sagot. Aniya, mas malaki at totoong gumagana ang kanyang nuclear button.

Nagiging karaniwan na nga yata ang mapanutya, mababaw, at malabong mga pananallita sa mga matataas na lider. Sa halip na magbigay ng makatwiran, seryoso, at malinaw na tugon sa mga seryosong isyu gaya ng tensyong maaaring humantong sa digmaang nuklear, pinipili ng mga pinunong ito na gumamit ng mga salitang walang maayos na diwa, may halong kabastusan, at walang tono ng paggalang sa kanilang pinatutungkulan.

Buti na lamang at diplomatiko ang naging pahayag ng ating pamahalaan tungkol sa pagkabahala nito sa pag-testing ng mga armas ng North Korea noong Nobyembre. Nanawagan din tayo ng makahulugang pegresolba sa hidwaan sa pagitan ng North Korea at South Korea. Ngunit ano kaya ang masasabi ng pamahalaang Pilipinas sa mga bansang tila ba naghahamon pa sa North Korea gaya ng Estados Unidos? O kaya naman ay sa China at Russia na mayroon ding nuclear weapons?

Mga Kapanalig, malaking banta sa kapayapaan ng buong mundo ang pagmamalaki ng North Korea tungkol sa mga armas-nuklear nito, lalo pa’t nitong nakalipas na taon, sunud-sunod ang pagsasagawa nito ng missile launches, kabilang ang tatlong intercontinental ballistic missiles na maaaring umabot sa malalayong bansa kabilang ang Pilipinas. Maaaring marami sa atin ang nag-iisip na hindi naman madadamay ang Pilipinas kung hindi tayo makikialam. May iba rin sigurong nagsasabing mas maraming problema ang Pilipinas kaysa sa nuclear war sa pagitan ng mga nagkakairingang mga bansa. Para sa iba marahil, hindi dapat seryosohin ang pagpapalitan ng banta ng mga lider ng North Korea at Estados Unidos. Ngunit tandaan sana nating hindi tayo nabubuhay nang hiwalay sa ibang mga bansa, kaya’t mahalagang sinusubaybayan natin ang mga nagbabadyang panganib at mga pangyayaring may malawak na epekto sa buhay ng lahat.

Kaya ang Simbahan, bilang kasapi ng pandaigdigang pamayanan at sa pagganap ng tungkulin nitong itaguyod ang kapayapaan sa mundo, ay nananawagan din ng seryosong pagtugon sa banta ng digmaan. Ngunit higit sa mapayapang pag-uusap ng mga bansa, naninindigan ang Simbahan, sa pamamagitan ni Pope Francis, sa tinatawag na “integral disarmament.” Tumutukoy ito sa hindi na pagkakaroon ng mga bansa ng mga sandata, lalo na ang mga “weapons of mass destruction” gaya ng mga nuclear weapons. Para kay Pope Francis, sinasalamin ng pagkakaroon ng mga bansa ng nuclear weapons ang aniya’y “mentality of fear”, o takot na namamayani sa mga kaisipan ng mga pinuno at mamamayan. Ibig sabihin, may mga bansang naglilinang at nag-iimbak ng mga armas dahil sa paniniwalang sa pamamagitan ng mga ito, malalampasan nila ang kanilang takot at kawalan ng kumpiyansa. Binigyang-diin pa ni Pope Francis ang puntong ito: “Hindi dapat maging bihag ang ugnayan ng mga bansa sa isa’t isa ng puwersang militar, pananakot, at pagyayabang ng dami, laki, at lawak ng pinsalang magagawa ng kanilang mga armas.”

Maaaring mag-taingang-kawali lamang ang mga lider ng North Korea at Estados Unidos sa sinasabi ng mga bansang tulad ng Pilipinas at ng Simbahang Katolika, ngunit huwag tayong mawalan ng pag-asa. Patuloy nating ipagdasal ang ating mga lider sa pamahalaan at Simbahan upang sa pamamagitan nila, makarating tayo sa isang mundong walang nuclear weapons.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 39,396 total views

 39,396 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 54,052 total views

 54,052 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 64,167 total views

 64,167 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 73,744 total views

 73,744 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 93,733 total views

 93,733 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 39,397 total views

 39,397 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 54,053 total views

 54,053 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 64,168 total views

 64,168 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 73,745 total views

 73,745 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 93,734 total views

 93,734 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 49,460 total views

 49,460 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 44,485 total views

 44,485 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 48,054 total views

 48,054 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 60,509 total views

 60,509 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 71,576 total views

 71,576 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 77,895 total views

 77,895 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 82,505 total views

 82,505 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 84,065 total views

 84,065 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 49,626 total views

 49,626 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 69,706 total views

 69,706 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top