199 total views
Nagluluksa ang mga mananampalataya ng Immaculate Conception Parish Church o kilala rin bilang Guiuan Parish Eastern Samar sa pagkamatay ng kanilang parish priest na si Fr. Moses Campo.
Ayon kay Msgr. Pepe Quitorio, katatapos lamang ng kanilang pulong nang maganap ang insidente dulot na rin ng bagyong Basyang.
Si Fr. Campo ay nabangga ng di pa tukoy na truck at kagyat na nasawi.
“We are grieving for our brother priest. Lahat ng parishes are now doing the masses for the Ash Wednesday. Mayroon kaming group chat na nagpopost ng kanilang situation. Ang pinakamalala na mga parishes ay mga baha as of the moment but people are there in the parishes,” ayon kay Msgr. Quitorio.
Sa hiwalay na insidente, nasunog naman ang bahagi ng katawan ni Fr. Edmel Raagas-assistant parish priest ni Guian Parish nang sumalpok sa poste ng kuryente ang kaniyang sasakyan at nasunog- siya at ginagamot sa Tacloban Hospital.
Ang dalawang pari ay nanggaling ng Borongan at dumalo sa clergy at recollection meeting.
Dagdag pa ni Msgr. Quitorio, maraming lugar sa Borongan ang hindi madaanan dahil na rin sa mataas na tubig dulot ng bagyo.
Noong 2013 kabilang ang Borongan Eastern Samar sa labis na napinsala ng bagyong Yolanda kung saanmay 300 katao ang naitalang nasawi mula sa kabuuang 6,300.
Kabilang din sa napinsala ng bagyong Yolanda ang parokya na itinayo noong 1844 at kabilang sa National Cultural Treasure ng bansa.