290 total views
Patuloy na pagbibigay ng kalakasan, pagasa at kaligtasan.
Ito ang panalangin ni Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos sa mga Overseas Filipino Workers kaugnay na rin sa pagdiriwang ng simbahan ng bukas 32nd National Migrants’ Sunday.
“We remember our Overseas Filipino Workers and we uplift them up to you as we are grateful for the services and sacrifices of our beloved OFW’s to build homes for their family, to send their children to school; to help and assist the needs of their parents and relatives and to make our economy up and rising,” bahagi ng panalangin ni Bishop Santos.
Ayon pa kay Bishop Santos na siya ring chairman ng CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People nawa ang bawat isa sa mga manggagawa na malaki ang naitutulong sa ekonomiya ng bansa ay makasumpong ng mabubuti at maayos na trabaho sa ibayong dagat.
“We humbly ask you to watch over them keep them safe. Spare them from sickness and accident and unite us with them back home in their travels and the places of their works. Almighty God we implore you may they have good and generous employers and decent jobs. May their rights be protected and their dignity upheld,” dagdag pa ng Obispo.
Base sa tala ang Pilipinas ay may tinatayang 2.2 milyong Overseas Filipino Workers sa iba’t ibang bahagi ng bansa na ang pinakarami ay matatagpuan sa Gitnang Silangan.
At kamakailan lamang ay ilang pang-aabuso ang naiulat kabilang na ang pagkakatagpo sa bangkay ng OFW sa Kuwait na nagbunsod na ipatupad ng Pilipinas ang pagbabawal sa pagpapadala ng mga manggagawang Filipino sa Kuwait.
Sa inilabas naman na circular ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle kaugnay na rin sa pagdiriwang pinaalalahanan niya ang mga parokya na ang 2nd collection para sa unang Linggo ng Kwaresma ay ilalaan para sa National Migrants Sunday.
Tema ngayong taon na ‘Welcoming Protecting and Integrating Migrants and Refugees na bahagi ng panawagan ni Pope Francis sa kanyang mensahe sa World Day of Migrants na ginanap noong Enero.