223 total views
Lubos ang pasasalamat ni Bishop-elect Bartolome Gaspar Santos sa mga mananampalataya ng Diocese of Malolos sa kaniyang matagal na paglilingkod kasabay ang hiling na panalangin para sa bago niyang misyon bilang Obispo ng Diocese ng Iba, Zambales.
“Nakapa-grateful ko naman talaga dahil sino ba ang nagturo sa akin kung ano ako, e di ang diocese. Lahat naman ng alam ko ang karanasan ko sa diocese nangyari. Mula sa pagiging batang pari noon, sa pagiging formator ng seminaryo, pagiging parish priest it’s all on the diocese, siyempre sa Obispo, nakatatlo akong Obispo,” ayon kay Bishop Santos sa panayam ng Radio Veritas.
Si Bishop-elect Santos ay tubong Santa Maria Bulacan at isinilang noong Dec.1,1967.
Inordinahan bilang pari sa Diocese ng Malolos noong August 27, 1992.
Noong 2009 naitalaga si Bishop Santos bilang rector at moderator ng pastoral team ng National Shrine of Our Lady of Fatima in Valenzuela City, at naging kura paroko ng pambansang dambana noong taong 2010.
Ayon kay Bishop-elect Santos, bagama’t mahirap na iwan ang mga parishioners kailangang laging handa ang isang pari para sa bagong misyon sa simbahan.
“Kahit naman saan kang namang larangan ng buhay if may iiwan kang napamahal sa iyo di ba masakit. Pero kami naman ay sinanay sa pag-alis, pagpunta sa misyon kaya hindi ganun kahirap sa mga pari. Pero sa mga tao, siyempre mararamdaman mo iyon ang mas mahirap they feel something like they are losing someone. In consideration of the people the parishioners you will always feel that they are so sad and yet iyong mixed emotion dun mo sa kanila makikita they are happy but they are more sad or they are sadder than being happier,” ayon kay Bishop elect Santos.
Humiling din si Bishop Santos ng panalangin para sa kaniyang bagong misyon sa Iba, Zambales.
“Ipagdasal ninyo po ako, siyempre yan naman ang lagi naming hiling ipagdasal. Lord God naman talaga is so merciful and so gracious for us,” ayon kay Bishop Santos.
Si Bishop-elect Santos ang ika-limang obispo ng Diocese ng Iba, Zambales na siyang kapalit Bishop Florentino Lavarias na naitalaga namang arsobispo ng San Fernando, Pampanga noong 2014.
Inaasahang magtutungo si Bishop Santos sa nunciature upang pormal na magsumite ng kaniyang tugon kaugnay sa bagong misyon bagama’t wala pang ibang detalye para sa kanyang ordinasyon bilang Obispo at ang pagtatalaga sa kaniya sa Iba, Zambales.