474 total views
Pagtatalaga at paghahati-hati ng mga miyembro ng Consultative Committee (Con-Com) sa sub-committees ang magiging unang prayoridad ng kumite upang matutukan ang mga pangunahing usapin na dapat suriin sa pag-amyenda ng 1987 constitution o Saligang Batas.
Ito ayon kay San Beda University Graduate School of Law Dean Father Ranhilio Aquino, isa sa mga itinalaga ng Pangulong Rodrigo Duterte na miyembro ng Consultative Committee upang suriin ang 1987 Constitution.
Sinabi ni Father Aquino sa Radio Veritas na kabilang sa mga itinuturing ng kumite na ‘priority area of the revision’ sa Saligang Batas ang istruktura ng pamahalaan, ang pagkakahati-hati ng mga rehiyon, ang kapangyarihan ng mga opisyal ng pamahalaan, Bill of Rights at ang istruktura ng lehislatura, ehekutibo at hudikatura.
“This is a very important meeting because today we will be, we will sub-divide ourselves into sub-committees according to the priority area of the revision of the Constitution so for example: Structure of Government, the constituent the way the state of the regions will be constituent, the powers that will devolve to them, the structure of the legislature, executive and judiciary, the Bill of Rights practically the entire constitution…”pahayag ni Fr. sa panayam sa Radio Veritas.
Unang inihayag ng Pari na hindi ang mga itinalagang miyembro ng Con-Com ang magtatakda ng panibagong konstitusyon ng bansa sa halip ang tungkulin ng 25-member Consultative Committee bilang mga eksperto sa Saligang Batas ay suriin ito at makapagbalangkas ng naaangkop na hakbang para sa pag-amyenda ng 1987 Constitution.
Kaugnay nito batay sa Saligang Batas ang Contituent Assembly, People’s Initiative at Constitutional Convention ay ang tatlong paraan upang baguhin o amyendahan ang 1987 Constitution ng bansa.
Samantala matapos ang naging preparatory meeting noong ika-8 ng Pebrero ay napagdesisyunan ng kumite na puspusang isagawa ang pagsusuri sa Saligang Batas at matapos ang kanilang ulat at mga rekomendasyon bago ang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ika-23 ng Hulyo.
Gayunpaman, unang nagpahayag ng pangamba si Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. – isa sa mga framer ng 1987 Constitution na magdudulot lamang ang planong pagpapalit ng Federal Form of Government ng tunggalian, kompetensya at paligsahan sa mga mamamayan taliwas sa sinasabi ng mga nagsusulong sa panukala na pagkakaisa at pagpapa-unlad ng bansa.
Read: Constituent assembly, tinawag na “Convention of Asses” ng Obispo
Nangangamba din ang Association of Major Religious Association of the Philippines o AMRSP na magdudulot ng malaking epekto sa mga Pilipino ang charter change.
Read: Pagbabago sa Saligang batas, malaki ang epekto sa buhay ng mga Filipino