Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Hindi lamang si CJ Sereno ang inaatake

SHARE THE TRUTH

 199 total views

Mga Kapanalig, noong isang linggo, sa botong 38-2, nagpasya ang Committee on Justice sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na iakyat ang kanilang report at ang articles of impeachment sa plenaryo sa paniniwalang may probable cause o dahilan upang patalsikin sa puwesto si Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Kung susuportahan ng 1/3 ng mga kongresista ang committee report at ang articles of impeachment, sasampa ang impeachment case sa Senado.

Hindi pa riyan natatapos ang mga hamon sa pinakaunang babaeng Punong Mahistrado ng Pilipinas. Naghain din si Solicitor General Jose Calida ng quo warranto sa Korte Suprema upang kwestyunin ang kwalipikasyon ni CJ Sereno. Kung uusad ang petisyon sa Korte Suprema at mapatutunayang hindi kwalipikado si CJ Sereno, maaari pong mapawalang bisa ang kanyang appointment. May isang grupo naman ng mga abogadong nanawagan ding magbitiw na sa puwesto ang Punong Mahistrado bago pa raw tuluyang masira ang Kataas-taasang Hukuman. Sa pagsasabay-sabay ng mga umaatake kay CJ Sereno, may mga nagsasabing tila sistematiko at pinagtutulungan ng iba’t ibang pwersa ang pagpapatalsik sa kanya. Sa kabila nito, nanindigan si CJ Sereno na hindi siya magpapatinag.

Maliban sa kakainin ng impeachment trial ang oras ng ating mga mambabatas na para sana sa pagbubuo ng mas mahahalagang batas, nakababahala ang lantarang pag-atake sa hudikatura bilang malayang sangay ng pamahalaan, at sa Korte Suprema bilang isang institusyon. Nakalulungkot na kasama sa mga nagpapahina sa hudikatura ang mga inaasahan nating pangangalagaan ang Korte Suprema.

Mga Kapanalig, mahalagang matatag ang ating mga institusyon, lalo na iyong mga nakapaloob sa pamahalaan, dahil sa pamamagitan ng mga ito, natitiyak na ang naisusulong ay ang kagalingan ng lahat o ang “common good.” Kung mahina ang ating mga institusyon at nagagamit ang mga ito para sa personal na agenda at pagkamkam ng kapangyarihan, interes ng iilan at hindi ang kapakanan ng lahat ang umiiral. Sa kaso ng Korte Suprema, na siyang pinakamataas na tagapagpasya sa ating bayan, mahalagang matatag at malaya ito upang maitaguyod ang demokrasya at pananaig ng batas o rule of law. Ngunit sa itinatakbo ng mga pangyayari, nagiging personalan na ang pag-atake sa Punong Mahistrado at nahahaluan na ng pulitika ang isang prosesong ang dapat na matimbang ay ang matibay na ebidensya at matalinong talakayan. Hindi tuloy maiwasang isiping pagkontrol sa mga institusyon ang pangunahing pakay ng mga nais mapatalsik si CJ Sereno.

At kung ganito nga ang nangyayari, nasasalaula sa diwa ng demokrasya. Gaya nga ng sinabi ni Pope Francis sa isang talakayan tungkol sa demokrasya, “Democracy can be nominal. Every political system, if it’s not cared for and maintained, tends to degrade.” Ibig sabihin, kung hahayaan nating pahinain at sirain ng iilan ang mga institusyong tinutuntungan ng ating sistema ng pamamahala, guguho ang demokrasyang nagbibigay sa lahat ng mamamayang magpasya nang malaya.

Paalala pa ni Pope Francis sa isa pang talumpati, “The future of humanity does not lie solely in the hands of great leaders, the great powers and the elites. It is fundamentally in the hands of peoples and in their ability to organize.” Sa wikang Filipino: nakasasalay ang ating kinabukasan hindi sa mga pinuno, sa mga nasa poder, o sa mga may kakayanan sa buhay, kundi sa ating mga kamay, sa ating kakakayahang kumilos nang sama-sama. Samakatuwid, ang pagtiyak na matatag ang ating mga institusyon at demokrasya ay tungkuling nakaatang hindi lamang sa ating mga lider kundi sa ating mga mamamayan.

Mga Kapanalig, nakalulungkot at nakababahala na ang mga nangyayari sa ating pamahalaan, ngunit huwag tayong panghinaan ng loob. Magbasa, makinig, at sumali sa mga usapan tungkol sa isyung kinakaharap hindi lamang ni CJ Sereno kundi ng buong hudikatura, ng ating mga institusyon, ng ating demokrasya.
Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Tunnel of friendship

 35,479 total views

 35,479 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »

Teenage pregnancy

 86,042 total views

 86,042 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »

THE DIVINE IN US

 32,783 total views

 32,783 total views Gospel Reading for September 12, 2024 – Luke 6: 27-38 THE DIVINE IN US Jesus said to his disciples: “To you who hear I say, love your enemies, do good to those who hate you, bless those who curse you, pray for those who mistreat you. To the person who strikes you on

Read More »

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 91,221 total views

 91,221 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 71,416 total views

 71,416 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tunnel of friendship

 35,480 total views

 35,480 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Teenage pregnancy

 86,043 total views

 86,043 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 91,222 total views

 91,222 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 71,417 total views

 71,417 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dugo sa kamay ng mga pulis

 45,953 total views

 45,953 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

“Same pattern” kapag may kalamidad

 54,634 total views

 54,634 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Moral conscience

 69,396 total views

 69,396 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagpa-parking/budget insertions

 76,511 total views

 76,511 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Season of Creation

 50,641 total views

 50,641 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bulag na tagasunod

 50,413 total views

 50,413 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 50,114 total views

 50,114 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipaliwanag ang OVP budget

 42,448 total views

 42,448 total views Mga Kapanalig, nag-trending noong isang linggo sa social media ang panawagang bigyan ng zero budget ang Office of the Vice President. Ito ay matapos ang mainit na pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa budget ng OVP para sa susunod na taon.  Sa pagdinig, panay ang pag-iwas ni Vice President Sara Duterte sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nang binawi ang palakpakan

 82,028 total views

 82,028 total views Mga Kapanalig, humupa na ang palakpakan ng mga pulitiko sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Dahil dito, nalulungkot si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, isa sa numero unong tagasuporta ng dating pangulo. Sa ilalim ng kanyang pamumuno bilang hepe ng Philippine National Police (o PNP), ipinatupad ng nakaraang administrasyon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalala sa mga mister

 89,582 total views

 89,582 total views Mga Kapanalig, madalas gamitin ang Efeso 5:22-24 para pangatwiranan ang pagpapasailalim ng mga babae sa kanilang asawa. Ganito ang mababasa natin: “Mga babae, pasakop kayo sa sarili ninyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Kristo na siyang ulo ng iglesya… Kung paanong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makatotohanang datos

 85,465 total views

 85,465 total views Mga Kapanalig, tumaas siguro ang kilay ninyo nang marinig ang sinabi ng National Economic and Development Authority (o NEDA) na ang isang Pilipinong may ₱64 para ipambili ng pagkain sa isang araw ay hindi maituturing na food poor. Take note, pang-isang araw na ang ₱64. Ibig sabihin, kung tatlong beses kumakain ang isang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top