254 total views
Malaking hamon sa mga layko at mga opisyal ng simbahan ang paglaki ng bilang ng mga Filipinong sumasang-ayon sa pagkakaroon ng diborsyo sa bansa.
Ayon kay Robert Aventajado, President ng Marriage Encounter Foundation of the Philippines (MEFP) pareho at magkasing halaga ang responsibilidad ng mga pari at mga layko para maghayag ng salita ng Diyos at pagpapaliwanag sa ating pananampalataya.
Ito ang mensahe ni Aventajado kaugnay na rin sa resulta ng Veritas Truth Survey na 39 percent ng 1,200 respondent ay pabor sa pagkakaroon ng divorce sa bansa.
Read: Pag-ibayuhin ang pagtuturo sa kahalagahan ng pag-aasawa, Wake-up call sa Simbahan
“Tayo ‘yung religious, pati layko. Tayong lahat dahil tayong lahat ay… Vatican II equal ang reponsibilidad natin sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita ang kaparian at ang layko so tayong lahat ang meron nitong pagkukulang na matatawag,” ayon kay Aventajado.
Paliwanag pa ni Aventajado, marahil ay nagkukulang pa tayo sa pagpapaliwanag sa ating mga mananamapalataya kung ano ba at kung gaano kasagrado ang sakramento ng kasal.
Mungkahi din niya sa mga taga-simbahan na ang gawain ay pagtulong sa mga nangangailangan lalu na sa mga katoliko na magkaroon din ng pagtuturo tungkol sa mga sakramento ng simbahan.
“We have to do better in explaining all these sa simbahan, siguro sa homiliya ng mga pari, pagtuturo ng catechism at sa mga layko sa atin,” paliwanag ni Aventajado.
Ang MEFP ay binubuo ng may 86 na community sa iba’t ibang bahagi ng bansa na may tinatayang 500,000 na mag-asawang miyembro.
Karisma nito ang pagbibigay ng mga trainings at seminars na ang pangunahing layunin ay ang ‘marriage enrichment’ ng mga bago at matagal ng mag-asawa, mga nais na mag-asawa maging ang mga nagsasama sa labas ng kasal.
Bukod sa pagiging pangulo ng MEFP– si Aventajado at kanyang asawa ang miyembro ng umbrella organization na All for Jesus marriage encounter community.