206 total views
Ito ang mungkahi ng Robert Aventajado, president ng Marriage Encounter Foundation of the Philippines (MEFP) sa mga mag-asawa at mapanagutan ang pangakong magsasama habang buhay.
Ayon kay Aventajado hindi solusyon ang diborsyo sa halip ay ang pagpapayabong ng buhay mag-asawa kasama ang Panginoon.
“On the practical sense ang itinuturo namin sa ME kailangan yung mag-asawa sila ang best barkada. Ibig sabihin kayo ang mag-bestfriend ng asawa mo. Kasi nag-umpisa kayo dalawa lang kayo nagkaroon kayo ng anak and then ang mga anak nyo eventually magkakaroon ng sariling buhay… kayo na lang dalawa ulit,” paliwanag ni Aventajado.
Noong nakalipas na March 13, ipagdiwang nina Mr. and Mrs. Robert at Tinnette Aventajado ang kanilang ika-47 anibersaryo bilang mag-asawa na katulad din ng karaniwang mga mag-asawa ay dumaan din sa mga pagsubok sa buhay.
“Kaya kailangan you have to work it out hindi naman ‘yan lumalabas ng basta kailangang pinagsisikapan ‘yan. You nurture it every day work on it. And then ang laki ng benefit ng mag-asawa na nagsasama ng maayos. Lahat naman ng mag-asawa dumaraan sa problema maski kami ni misis pero nalagpasan namin. Dahil nanduon ang Diyos sa gitna namin. Kung nanduon ang Diyos sa gitna nyong dalawa, unang una madaling magpatawad, madaling umunawa. Kung ang pagmamahal ng isa’t isa ay mas malaki kaysa sa pagkakamali at dahil may takot sa Diyos ay maso-solve nila,” ayon kay Aventajado.
Naniniwala si Aventajado na madaling mapagtagumpayan ang mga pagsubok kung si Kristo ang nasa sentro ng pagsasama ng bawat mag-asawa at ng bawat pamilya.
“Kaya sa amin hindi divorce ang solusyon…paniniwala sa Diyos! At saka talagang hindi ka bibitaw at least isa hindi bibitaw hindi nawawalan ng pag-asa. Ang pinakamalaking kasalanan kasi sa buhay bilang katoliko yung nawawalan ka ng pag-asa,” ayon pa kay Aventajado.
Sinabi ni Aventajado na malaking bagay ang pagsailalim nilang mag-asawa sa marriage encounter na nagmulat sa kanila kung paano maisasaayos ang pagsasama kabilang dito ang pagpapatag ng pananampalataya sa Panginoon at ang kung paano mag-usap ang mag-asawa ng hindi nauuwi sa pag-aaway.
Ang MEFP ay kinabibilangan ng 86 na grupo at tinatayang umaabot sa 500,000 couple members sa buong bansa.
Pangunahing itinuturo ng ‘All for Jesus Marriage Encounter Community’ sa marriage encounter ay ang kahalagahan ng kasal at ang obligasyon ng mag-asawa bilang magkatuwang sa buhay para sa kanilang pamilya.
Inaanyayahan ni Aventajado ang mga mag-asawa o mga nagsasama na sumailalim sa marriage encounter at makinig sa Radio Veritas tuwing Miyerkules ganap na alas: 8 hanggang 9 ng gabi sa programang ‘Couple Power: Lakas ng Mag-asawa’.
Layon ng programa na bigyan ng inspirasyon ang mga tagapakinig sa pagpapatatag ng pagsasama ng bawat mag-asawa at pagkakaroon ng maayos na pamilya sa kabila ng mga pagsubok sa buhay.