Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Parusahan ang mga recruiter ni Demafelis-CBCP

SHARE THE TRUTH

 146 total views

Nararapat ring maparusahan ang mga Filipino recruiters ni Overseas Filipino Worker Joanna Demafelis na pinaslang ng employer sa Kuwait.

Ito ang panawagan sa pamahalaan ni Balanga Bishop Ruperto Santos, Chairman ng CBCP- Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People kasunod ng pagpapataw ng parusang kamatayan ng bansang Kuwait sa mag-asawang amo ni Demafelis na sina Nader Essam Assaf at Mona Hassoun.

“Now as guilty were sentenced, let us not forget those who sent, placed Joanna to Kuwait. They, the Filipino recruiters of Joanna, should also be prosecuted and justice be served.” pahayag ni Balanga Bishop Ruperto Santos sa Radio Veritas

Ayon sa Obispo, ang naging tugon ng Kuwait sa pagpapataw ng kaparusahan sa mag-asawang employer ni Joanna ay pagpapakita ng katapatan at kagustuhan ng pamahalaan ng Kuwait na mabigyang katarungan ang pagkamatay ng OFW at maprotektahan ang karapatang pantao maging ng mga dayuhang manggagawa sa bansa.

Dahil dito, umaasa si Bishop Santos na hindi na muling maulit pa ang marahas na sinapit nI Demafelis sa iba pang mga dayuhang manggagawa sa Kuwait at ganap nang maprotektahan at kilalanin ang mga karapatan at dangal ng mga OFW sa naturang bansa.

“It shows sincerity and seriousness of Kuwait to correct a wrong, to serve justice and to defend human rights. We hope that the case of Joanna will be last, and rights and dignity our OFWs will be protected and respected there in Kuwait.” Apela ni Bishop Ruperto Santos.

Tiniyak rin ng Obispo ang patuloy na pananalangin hindi lamang para sa ikapapayapa ng kaluluwa ni Joanna kundi maging para sa katatagan at paghilom ng damdamin ng pamilya Demafelis sa pagkakaroon ng katarungan sa pagkamatay ng kanilang mahal sa buhay.

“We share in the sorrow and sufferings of the family of Joanna. We are one with you in prayers and our celebration of holy masses. With God’s divine justice Joanna is resting now with Him in Heaven. With God’s mercy there will be healing. Continue to trust God all the more. God is our hope. He helps us always.” Dagdag pa ni Bishop Santos.

Samantala, nilinaw naman ni Bishop Santos na sa kabila ng pagpupunyagi sa pagpapataw ng Kuwait ng kaparusahan sa mag-asawang employer na pumaslang kay Joanna Demafelis ay nananatiling hindi sang-ayon ang Simbahan sa pagpapataw ng parusang kamatayan sapagkat hindi na mabibigyan ng pagkakataon ang mga ito ng ganap na magsisi sa kanilang nagawang kasalanan.

May 2014 nang nagtungo si Joanna Demafelis sa Kuwait upang magtrabaho bilang Domestic Helper ngunit noong Pebrero ay natagpuan ang kanyang bangkay sa loob ng isang freezer sa isang abandunadong apartment.

Sa tala, mayroong higit sa 250,000 ang mga manggagawang Filipino sa Kuwait kung saan may 1,700 na manggagawa ang umuwi sa isinagawang repatriation program ng Pangulong Duterte.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 71,866 total views

 71,866 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »

KOOPERATIBA

 86,943 total views

 86,943 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »

NCIP

 92,914 total views

 92,914 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »

FAMILY BUSINESS

 97,097 total views

 97,097 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 106,375 total views

 106,375 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Pag-uwi ng labi ni Bishop Bastes sa Sorsogon, ipinagpaliban

 1,003 total views

 1,003 total views Pansamantalang ipinagpaliban ang pagdating sa Diyosesis ng Sorsogon ng mga labi ni Sorsogon Bishop-Emeritus Arturo Bastes dahil sa pananalasa ng Bagyong Kristine sa Bicol region. Una ng inihayag ng diyosesis ang nakatakdang pagdating ng mga labi ng dating punong pastol ngayong ika-23 o ika-24 ng Oktubre, 2024 bago pa ang pananalasa ng bagyo

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Maglingkod para sa kabutihan ng kapwa, paalala ni Bishop Dael sa 2025 midterm election candidates

 1,941 total views

 1,941 total views Binigyang diin ni Tandag Bishop Raul Dael na anumang pangarap sa buhay ay hindi lamang sumentro sa pansariling kapakanan sa halip ay sa paglilingkod sa kapwa lalo’t higit sa mga nangangailangan. Ito ang paalala ng Obispo sa paggunita ng World Mission Sunday noong ika-20 ng Oktrubre, 2024. Ayon kay Bishop Dael, ang bawat

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bishop Bastes, sumakabilang buhay sa edad na 80-anyos

 2,309 total views

 2,309 total views Pumanaw na sa edad na 80-taong gulang ang dating Obispo ng Diyosesis ng Sorsogon na si Bishop Emeritus Arturo Bastes ganap na alas-sais y medya ngayong umaga, ika-20 ng Oktubre, 2024. Ipinanganak noong April 1, 1944 sa Loboc, Bohol si Bishop Bastes ay naordinahang pari noong November 28, 1970 sa Society of the

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Diocese of Gumaca, makikibahagi sa one million children praying the rosary

 3,678 total views

 3,678 total views Inihayag ng Diyosesis ng Gumaca ang pagdaragdag ng intensyon sa pakikibahagi ng diyosesis sa nakatakdang One Million Children Praying the Rosary Campaign. Sa pamamagitan ng liham sirkular ay inihayag ni Gumaca Diocesan Administrator Rev. Fr. Ramon Uriarte ang pagdaragdag ng intensyon ng pananalangin ng Santo Rosaryo para pagdating ng bagong Obispo ng diyosesis

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

ACN Philippines, umaapela ng suporta sa “One million children praying the rosary”

 3,787 total views

 3,787 total views Inaanyayahan ng sangay ng pontifical foundation ng Vatican sa bansa na Aid to the Church in Need-Philippines (ACN) ang mamamayan na makibahagi sa One Million Children Praying the Rosary Campaign sa ika-18 ng Oktubre, 2024. Ayon kay ACN – Philippines Chairperson, Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas, iaalay ang sabay-sabay na pananalangin ng mga

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Philippine Jesuit Prison Service, nagbigay ng seminar sa mga kabataang PDL

 5,069 total views

 5,069 total views Puspusan ang isinasagawang hakbang ng prison ministry at socio-pastoral apostolate ng Society of Jesus (Philippine Province) upang magabayan at mabigyang pag-asa ang mga naligaw ng landas lalo’t higit ang mga kabataang Persons Deprived of Liberty (PDLs) na nakagawa ng pagkakamali sa buhay. Sa ilalim ng psycho-spiritual, at strengths-based initiative ng na Philippine Jesuit

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

MAGPAS, simula ng paghahanda ng Archdiocese of Manila sa Jubilee year 2025

 5,616 total views

 5,616 total views Inilaan ng Archdiocese of Manila sa paghahanda sa nakatakdang Jubilee Year 2025 ang Manila Archdiocesan General Pastoral Assembly (MAGPAS) sa susunod na buwan ng Nobyembre 2024. Sa sirkular ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ay inihayag ng Arsobispo ang paglalaan ng MAGPAS para sa pagbabahagi ng katesismo bilang paghahanda sa nakatakdang

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SOAP project, muling inilunsad ng PJPS

 7,327 total views

 7,327 total views Muling inilunsad ng Philippine Jesuit Prison Service ang Simple Offering of Affection for Persons Deprived of Liberty o S.O.A.P Project bilang bahagi ng paggunita sa 37th Prison Awareness Week ngayong taon. Layunin ng proyekto na makapangalap ng sapat na pondo upang makapagkaloob ng mga hygiene kits partikular ng mga sabong pampaligo, panlaba at

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

CHR, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng OFW na binitay sa KSA

 8,981 total views

 8,981 total views Nagpahayag ng pakikiramay ang Commission on Human Rights (CHR) sa mga naiwang pamilya ng Pilipinong binitay sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA). Kaugnay nito, mariing nanawagan ang Komisyon ng Karapatang Pantao na pinangangasiwaan ni CHR Chairperson Richard Paat Palpal-latoc sa pamahalaan na higit pang paigtingin ang pagsusumikap na matiyak ang kapakanan at kaligtasan

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

CADP, muling nanindigan sa death penalty

 8,567 total views

 8,567 total views Muling binigyang diin ng Coalition Against Death Penalty (CADP) ang panawagan sa pagbibigay halaga sa kasagraduhan ng buhay sa gitna ng patuloy na pag-iral ng parusang kamatayan o capital punishment sa iba’t ibang bansa. Ito ang muling panawagan ni CADP President Karen Lucia Gomez-Dumpit sa paggunita ng World Day Against the Death Penalty

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

NHCP, nagpaabot ng pagbati sa Cardinal-designate David

 7,928 total views

 7,928 total views Nagpahayag ng pagbati ang National Historical Commission of the Philippines sa pagkakatalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco kay CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David bilang bagong Cardinal ng Simbahan. Ayon sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas, bilang Obispo ng Diyosesis ng Kalookan at Pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ay naging

Read More »

NHCP, nagpaabot ng pagbati sa Cardinal-designate David

 7,391 total views

 7,391 total views agpahayag ng pagbati ang National Historical Commission of the Philippines sa pagkakatalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco kay CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David bilang bagong Cardinal ng Simbahan. Ayon sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas, bilang Obispo ng Diyosesis ng Kalookan at Pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ay naging

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Pagtatalaga sa pangulo ng CBCP bilang Cardinal ay pagsasabuhay ng simbahang sinodal-de Villa

 7,985 total views

 7,985 total views Naniniwala ang dating kinatawan ng Pilipinas sa Vatican na ang pagkakatalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco kay CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David bilang bagong Cardinal ay isang ganap na pagsasabuhay sa pagkakaroon ng Simbahang sinodal. Ayon kay former Ambassador to the Holy See Henrietta De Villa, ang pagkakatalaga kay Cardinal-elect David bilang

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, nagpaabot ng pagbati kay Cardinal-elect David

 8,094 total views

 8,094 total views Nagpahayag ng pagbati ang implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on the Laity sa pagkakatalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco kay CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David bilang bagong Cardinal ng simbahan. Ayon kay LAIKO National President Bro. Francisco Xavier Padilla, lubos ang kagalakan ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Simbahan, tiniyak ang pagiging kanlungan ng mga mananampalataya

 10,928 total views

 10,928 total views Naniniwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na mahalaga ang tungkuling ginagampanan ng Simbahang Katolika saan mang panig ng mundo upang magsilbing kanlungan ng mga mananamapalataya lalo’t higit ng mga Pilipino na naghahanapbuhay at naninirahan sa ibayong dagat. Ito ang bahagi ng mensahe ni Novaliches Bishop Roberto Gaa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top