188 total views
Hindi sang-ayon si Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr., miyembro ng 1987 Consitutional Commission na maisulong ang Charter Change sa panahon ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa Obispo, hindi magiging malaya ang talakayan dahil na rin sa ugali ng Pangulong Duterte na isulong ang kanyang mga kagustuhan gayundin ng mga tagasunod.
“I must say no, because of the character of the people who will be involve in it. First the President Rodrigo Duterte I saw himself a very intimidating man and man like him there will not be much of discussion; there will not be much freedom of choice for those who will be participating. Alam naman natin ang karakter ng Presidente natin gusto niya agad at madaliin,” ayon kay Bishop Bacani
Iginiit ni Bishop Bacani na hindi ngayon ang tamang panahon para magkaroon ng pagbabago sa Saligang Batas.
“I don’t think it is an opportune I’m sorry to say that both because of the character of the president and the character of those who will be participating it. If it is a Con Ass, I said not this time not under this president,” ayon sa Obispo.
Sa inilabas namang pag-aaral ng Veritas Truth Survey na isinagawa noong nakaraang Marso, 38 porsiyento ng mga Filipino ang sang-ayon sa Constitutional Convention na paraan sakaling amyendahan ang Saligang Batas, 21 porsiyento naman ang pabor sa Consitutional Assembly at 41 porsiyento naman ang nalilito at hindi pa makapagdesisyon sa paraan ng pagpapalit ng konstitusyon.
Read: Mga Filipino, pabor sa Con-Con
On Federalism
Duda rin ang Obispo na may sapat nang kaalaman ang mga Filipino hinggil sa usapin ng pederalismo na kabilang din sa isinusulong ng Pangulo sa cha-cha.
“Federalism at this point is an unknown to the majority of the Filipinos who will be voting for it. They can try by asking people what you will understand by federalism,” paliwanag pa ni Bishop Bacani.
Maari rin namang baguhin ang Saligang Batas ayon kay Bishop Bacani subalit nangangailangan ito ng maingat at maigting na pag-aaral partikular ang mga probisyong pang-ekonomiya.
“Oo, pero dahan dahanin ang ibig kong sabihin let it be really studied kasi we are not dealing with the particular Laws; we are dealing with fundamental Law of the land. So let it be done with great care lalo na kung nagkakaroon ng fundamental change lalo na sa structure ng ating government,” paliwanag ng Obispo.
Enero ng kasalukuyang taon nang italaga ng pangulo ang mga miyembro ng Charter Change consultative committee kabilang na dito sina former Supreme Court Chief Justice Reynato Puno, former SC Associate Justice Bienvenido Reyes, Father Ranhillo Aquino at dating Senate President Aquilino Pimentel para sa pag-amyenda ng Saligang Batas.
Binigyan diin ni Bishop Bacani na ang 1987 Constitution ang akma pa ring gamitin sa kasalukuyan at isa sa pinakamagandang batas dito ay ang Bill of Rights.
“Kung meron mang kinakailangang palitan baka yung mga economic provisions, but some of them…ang Bill of Rights excellent yan one of the best in the world na makikita mo,” ayon pa sa obispo.
Ang 1987 Philippine Constitution ay inakda ng 1986 Constitutional Commission kung saan kabilang sa 50 miyembro si Bishop Bacani na pinamumunuan ng kauna-unahang babaeng naitalaga sa Supreme Court na si Justice Cecilia Munoz Palma.
Simula noong 1898 liberasyon- ang Pilipinas ay may umiral na limang Saligang Batas kabilang na ang 31 taong na 1987 Philippine Constitution na siya pa ring umiiral hanggang sa kasalukuyan.