164 total views
Isa na namang Filipino ang nakatanggap ng Goldman Environmental Prize matapos nitong matagumpay na maipa phase out sa Pilipinas ang lead-containing paints.
Pinarangalan si Manny Calonzo isang Filipino Campaigner for Lead Safe Paint, former president ng EcoWaste Coalition at adviser ng Global Lead Paint Elimination Campaign of I-PEN, isang international NGO network na nagsusulong ng toxic-free future.
Tinanggap ni Calonzo ang isa sa pinaka-mataas na parangal para sa isang environmentalist na Goldman Environmental Prize, isang US-based Foundation na kumikilala sa mga natatanging environmentalist na nagpakita ng katapangan at pagiging masigasig sa pagtatanggol sa kalikasan at ligtas na kapaligiran para sa bawat tao.
“By phasing out lead-containing decorative paints in 2016 and lead-containing paints for industrial uses by 2019, we hope to achieve a lead safe paint market by 2020 and ensure a lead safe environment for all, especially for children and babies still growing in the womb,” bahagi ng pahayag ni Calonzo.
Ang mga kumpanyang Pacific Paint (Boysen) Philippines. Inc. at Davies Paints Philippines ang kauna-unahang nakatanggap ng Lead Safe Paint® mark sa buong mundo.
Samantala, isa pang Philippine Paint Company na Sycwin Coatings and Wires Inc., ang kasalukuyang sumasailalim sa lead content verification.
Bukod kay Calonzo, anim na mga kababaihan naman ang iba pang nakatanggap ng Goldman Environmental Prize award.
Ito ay sina, Francia Marquez ng Colombia, Claire Nouvian ng France, Makoma Lekalakala at Liz McDaid ng South Africa, Leeanne Walters ng USA, at Khanh Nguy Thi ng Vietnam.
Ang Goldman Environmental Prize ay unang naitatag noong 1989 sa pamamagitan ng San Francisco Civic Leaders at philanthropists na sina Richard and Rhoda Goldman.
Matatandaang noong 2012 ay isa rin sa Goldman Environmental Prize Awardee si Father Edu Gariguez ang Executive Secretary ng CBCP NASSA / Caritas Philippines.