351 total views
Umapela ang Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga simbahan sa buong Arkidiyosesis ng Maynila na ipagpatuloy ang pagpapatunog ng kampana tuwing alas otso ng gabi.
Ginawa ni Cardinal Tagle ang panawagan, dahil sa isa nanamang karahasang nasaksihan ng sambayanang Kristiyano nang paslangin si Fr. Mark Anthony Ventura mula sa Archdiocese of Tuguegarao.
Naniniwala ang Cardinal na ang pagpapatunog ng mga kampana ay simbolo ng pag-alala sa mga yumao, pagpapakita na hindi sila nalilimutan, at pananalangin na sila’y alalahanin ng Panginoon.
Dagdag pa ni Cardinal Tagle, ang mga tunog ng kampana ang magsisilbi ring alingawngaw sa kunsensya ng mga may sala upang kanilang maalala at hindi malimutan ang lahat ng kanilang naging biktima.
Bukod dito, ang mga tunog ng kampana ang inaasahang hihimok pa sa mga mananampalataya upang patuloy na maitaguyod at maipaglaban ang katotohanan, katarungan, pag-ibig at paggalang sa buhay at dignidad na biyaya ng Panginoon sa sangkatauhan.
“The bells beckon us to remember the dead, never to forget them and to ask God to remember them. The bells haunt the perpetrators of violence and killing to remember their victims, never to forget them. The belles urge us to commit to actions of truth, justice, love and respect for God’s gift of human life and dignity. The bells beg us to transform the mourning of our people into hope and peace.” Bahagi ng mensahe ni Cardinal Tagle
Matatandaang ika-8 ng Septyembre noong 2017 nang unang manawagan si Cardinal Tagle ng pagpapatunog ng kampana upang pag-alala sa mga nasawi sa kampanya ng pamahalaan kontra sa iligal na droga.
Layunin din nito na muling buhayin ang tradisyon na De Profundis, o ang 5minutong pagpapatunog ng kampana kasabay ang panalangin para sa mga namayapa.
Narito ang kabuuan ng Mensahe ni Cardinal Tagle: