259 total views
Mahalin ang iyong mga pari, at higit sa lahat ang mga tao na siyang bumubuo ng komunidad ng mananampalataya.
Ito ang mensahe ni Malolos Bishop Jose Oliveros sa isinagawang ‘Episcopal Ordination’ ni Bishop-elect Bartolome G. Santos bilang bagong obispo ng simbahan at ika-limang obispo ng Diocese ng Iba, Zambales.
“We thank you for the simplicity of your life. We thank you for helping others especially those who go to you for counseling and direction. And now you will have a greater feel of direction. But in your apostolate and your care for people do not forget the poor,” tagubilin ni Bishop Oliveros.
Mensahe pa ni Bishop Oliveros “Do not forget the people that make us a community. But first and foremost take care of your priest,” ayon kay Bishop Oliveros.
Ikinagagalak din ni Bishop Oliveros ang biyaya na pagkakaroon ng bagong obispo na mula sa Malolos matapos ang 34 na taon nang ordinahan din sa nasabing katedral ang ngayon ay Caloocan Bishop Emeritus Deogracias Iñiguez.
“It is truly a grace for us not only for Msgr. Bart but for the whole Diocese of Malolos especially for our clergy from which the Bishop-elect is taken from,” ayon kay Bishop Oliveros. Bukod kay Bishop Oliveros, kabilang din sa pangunahing nag-ordina kay Bishop Santos sina Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle at San Fernando Pampanga Archbishop Florentino Lavarias na ginanap sa Cathedral Basililica Minore ng Inmaculada Conception sa Diocese ng Malolos.
Sa homiliya naman ni Cardinal Tagle binigyang diin nito ang pangangalaga sa bawat biyaya ng Panginoon at pagpapahalaga sa biyayang ito.
“Vocation is a gift, mission is a gift. Kapag naging trabaho hindi na yan gift. At kapag trabaho hahanap na ako ng pribilehiyo. Bayad, promotion. That’s not a gift, that’s a ladder that I climb due to my industry. But a vocation is a gift.” pahayag ni Cardinal Tagle
Kabilang din sa nakikiisa sa pagdiriwang ang mahigit sa 30 mga obispo mula sa iba’t-ibang panig ng bansa, mga pari ng Diocese ng Malolos at ang Council of Priest ng Diocese ng Iba sa pangunguna ni Rev. Fr. Daniel Presto.
Ika-17 ng Pebrero, 2018 nang itagala ni Pope Francis bilang Obispo si Bishop Santos kapalit ni Archbishop Lavarias na naitalaga namang arsobispo ng San Fernando, Pampanga noong 2014.
Itinakda naman ang ‘installation’ ni Bishop Santos sa bilang obispo ng Iba Zambales sa ika-25 ng Mayo.
Base sa tala ng catholic-hierarchy.org noong 2016, ang diyosesis ay may higit sa 700,000 populasyon kung saan 80 porsiyento ang mga Katoliko.
Ito rin ay binubuo ng may 50 mga pari at 22 parokya.