205 total views
Umaapela ang CBCP Episcopal on the Laity na palakasin ng bawat mananamplataya ang kampanya laban sa paglaganap ng illegal na droga sa bansa.
Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng komisyun, nakaalarma na hindi lamang ang mayayaman ang nakabibili at gumagamit ng droga kundi maging mga mahihirap ay nakakabili na rin.
Hinimok ng Obispo ang bawat isa na palakasin ang kaalaman hinggil sa masamang dulot nito sa kalusugan at kapaligiran na siyang pangunahing pinagmumulan ng kaguluhan at krimen.
Binigyang diin pa ng Obispo ang kahalagahan ng paghihigpit ng mga otoridad at pagpapalakas ng mga programa ng bawat munisipalidad na nasasakupan upang masugpo ang paglaganap na paggamit ng illegal na dorga.
“Talagang lumalakas ang paggamit ng droga sa bansa hindi siguro 4 million andaming kasi kumalakalat na yung droga kahit sa mga barangay natin noon yan ay problema lang ng taong may kaya ngayon pati mga mahihirap nasa ilalim na ng droga dahil nga sa mga sachet, sachet na ang pagbenta ng droga. Kaya sana mamulat tayung lahat ng kasamaan ng problemang ito na sugpuin natin sa pamamagitan ng awareness at tayo mismo may paninindigan sana tayo laban sa droga.”panawagan ng Obispo
Mula sa datus ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ay umaabot sa 92 mga barangay sa buong Metro Manila ay mayroon mga drug addict o gumagamit ng illegal na droga.
Sinunadan ito ng region-4A o Southern Tagalog region na may kabuuang 33.78 porsyento na mayroong mga drug related cases.