343 total views
Ganap na pagkakaroon ng maayos at mapayapang halalang pambarangay ang panalangin ni Diocese of Baguio Bishop Victor Bendico kasunod ng naganap na Peace Signing Covenant sa lalawigan.
Bilang Chairman ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting ng Diocese of Baguio ay nagpahayag rin ng pakikiisa ang Obispo sa panawagan ng Commission on Elections para sa isang matapat, mapayapa at kapani-paniwalang halalang pambarangay.
Umaasa si Bishop Bendico na sa pamamagitan ng pananalangin ay maliwanagan ang mga kandidato sa halalang pambarangay ay hindi lamang tungkol sa pagkapanalo at pagkakaroon ng posisyon sa halip ay isang malalim na bokasyon upang gabayan ang mamamayan na maging isang matatag at maasahang pamayanan na nagkakaisa at nagtutulungan.
Bukod dito ipinagdarasal ng Obispo na maging ‘participatory’ ang paraan ng pamumuno ng mga maihahalal na opisyal ng bawat barangay kung saan magiging malaking bahagi sa pagtugon sa mga suliranin ng bawat miyembro ng kumunidad.
“We pray that for you candidates for Barangay and SK elections that indeed, it will not only be about winning or being successful. See your becoming and being a politician as a Vocation to guide people in becoming and being a Community. May your way of governance be a participatory way of governance.” Panalanagin ni Bishop Bendico.
Isinagawa ang Barangay and SK Election 2018 Peace Covenant Signing sa Our Lady of the Atonement Cathedral noong ika-3 ng Mayo.
Batay sa tala ng Department of the Interior and Local Government – Cordillera Administrative Region, may 128 ang bilang ng mga barangay sa Baguio City kung saan higit 115-libo lamang ang mga rehistradong botante mula sa higit 318-libong populasyon ng lalawigan.