263 total views
Isang ‘shooting incident’ ang naitala sa Bongao, Tawi-Tawi kaugnay sa isinasagawang Barangay at Sangguniang Kabataan election ngayong araw.
Ito ang ulat ni Fr. David Procalla ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting-Autonomous Region in Muslim Mindanao (PPCRV-ARMM).
Base sa ulat, hindi naman nasaktan ang biktima na isang kandidato sa barangay sa Tawi-Tawi at hinihintay pa nila ang kabuuan ng ulat mula sa PPCRV Coordinator ng Tawi-Tawi.
Bukod sa insidente, sinabi ni Fr. Procalla na sa kasalukuyan ay payapa at maayos naman ang halalan subalit nanatili pa rin ang ilang mga karaniwang problema tulad ng mga nawawalang pangalan at ilang election violations.
“Generally okay naman except for the usual na mga problema kung minsan kinakarambola. Hindi nakikita, umiikot kami ngayon at pinapalabas naming ang mga bata na ginagamit para magdistribute ng mga leaflets because that is an election offense dahil wala ng campaigning na ngayon,’’ ang bahagi ng pahayag ni Fr. Procalla ng PPCRV-ARMM.
Sa kasalukuyan ay nag-iikot ang grupo nina Fr. Procalla sa Sultan Kudarat lalu’t nagbabala ang Comelec Regional Director ng Region XII kasama ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na huhulihin ang mga bata.
Base sa report ng Commission on Elections, mula sa 597 barangay na itinuturing na ‘red areas’ na nasa high alert – 438 barangay na ito ay matatagpuan sa ARMM na binubuo naman ng 2,490 barangay.