270 total views
Isaisip ang kabutihan ng higit na nakakarami sa pagpili ng pinunong ihahalal.
Ito ang mensahe ni Davao Archbishop Romulo Valles, Pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines kaugnay na rin sa isinasagang Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Paliwanag ng Arsobispo, matapat na itanong sa sarili kung sino ang nararapat na iboto at kung ang ibobotong ito ay siya ring pipiliin ni Hesus sakaling siya man ay maghahalal ng pinuno.
“I encourage every Filipino voter during this Barangay and SK elections to keep foremost in his/her heart and mind the good and welware of our communities as each one casts his or her vote today. I ask myself honestly: for whom would Jesus vote (or not vote) if he were to vote today? If I have an answer to that, then, that is how I will vote today,” ayon sa ipinadalang mensahe ng arsobispo.
Ganap namang 8:45 ng umaga nang bumoto si Archbishop Valles sa Davao City National School kung saan nasasakop ang kaniyang barangay sa 11-B Poblacion.
Ang Davao City ay binubuo ng dalawang legislative districts na may 78 barangay at kabuuang higit sa 800 libong registered voters.