195 total views
Kinilala ng Social Communication Commission ng Archdiocese of Manila ang mga nagwagi sa kauna-unahang Faith Lens 2018 film festival na ginanap sa Arsobispado de Manila bilang bahagi ng pagidiwang ng World Communication Day.
Ang Faith lens 2018 ay inorganisa ng Social Communication Ministry ng arkidiyosesis na layong hikayatin ang mga servant-leader communicator ng mga parokya para gamitin ang kanilang kakayahan sa pagtataguyod ng pananampalataya at mabuting pag-uugali sa pamamagitan ng 1 minute video- na may temang “The Truth will set you Free; fake news and Journalism for Peace” ang 52nd World Communication Day message ni Pope Francis.
Nagpapasalamat naman si Msgr. Clemente Ignacio ng Social Communication Ministry ng Archdiocese of Manila sa mga lumahok sa patimpalak na nawa ay maging makabuluhan sa bawat isa ang pagbibigay halaga sa paghahayag ng katotohanan at sa ating pananampalataya.
“Aminin natin magulo ang daigdig ngayon dahil ang pananampalataya ay naisasantabi sa buhay ng karamihan. And I’d like to encourage everybody and a prayer is for us all to really be more zealous in what we are doing in our social communications ministry,” ayon kay Msgr. Ignacio.
Kasabay ng paggawad ng pagkilala, ang pagtitipon ay kasabay na rin ng 2nd Archdiocesan SOCOM Assembly ng Archdiocese of Manila na dinaluhan ni Fr. Jerome Secillano-executive secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Permanent Committee on Public Affairs (CBCP-PCPA) kung saan hinikayat at ang bawat isa na maging instrumento lalu’t nasa krisis ang katotohanan dulot ng fake news.
“If there is a crisis of truth, I have no issue to preach the truth. And we speak of preaching the truth we preach Jesus, you live according to the teaching of Jesus. Bring Jesus to public life. The repository of truth may not be the church anymore, may not be the government, may not be the state, but the truth is Christ. Yun ang dadalhin natin sa ating lipunan. Ano ang itinuturo ni Hesus dahil siya ang katotohanan ito ang dapat na malaman ng sambayanan,” pahayag ni Fr. Secillano.
Sampung parokya mula sa ecclesiastical province ng Manila ang lumahok na sinuri naman ng mga hurado kabilang na si Alex Lopez ng EWTN; Sharon Joy Isla ng TV Mari; Darren Ramos ng Radio Veritas; Dennis Dayao ng Areopagus Communications at multi-awarded director Laurice Guillen.
Ang mga nagwagi sa patimpalak ay ang KATOK NG PAG-ASA ng San Roque de Manila Parish; bilang best video; UY, TOTOO BA? ng Saint Anthony Shrine-1st runner up at 3rd runner up ang REAR VIEW ng Saint John de Baptist Parish na pawang mula sa Archdiocese of Manila.
Ilan din sa tumanggap ng special awards ang TREND ng Our Lady of Hope Parish ng Diocese ng Cubao; at ang TINANIKALA, PINALAYA ng San Roque Cathedral ng Diocese ng Caloocan.