182 total views
Labing lima katao kabilang na ang ilang bata ang sugatan sa naganap na engkwentro sa Conception Misamis Occidental sa hangganan ng Zamboanga Del Norte.
Ayon kay Archbsihop Martin Jumoad, humingi ng saklolo ang mga sugatang biktima kay Fr. Edilberto ‘Pards’ Baculi ang kura paroko ng Immaculate Concepcion Parish, alas-4 ng umaga.
“I think there were farmers, parang duon sila boundary sila sa Concepcion, Misamis Occidental and sa Zamboanga Del Norte – sa mountain sila. Nagsafety sila papuntang Concepcion and they were being help ng parish priest sa Concepcion,” ayon kay Archbishop Jumoad.
Sa kasalukuyan ay hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan ng mga sugatang biktima na sinasabing mga magsasaka bagama’t naiulat na rin ng pari ang insidente sa Concepcion Police at kay Concepcion Mayor Juanidy Viña.
Ayon sa impormasyon ni Arbishop Jumoad nadala na sa pagamutan ang mga sugatan na ang pinakabata ay nasa edad 2 taon.
“I’m very glad that the mayor helps Fr. Pards and then also the chief of police. They facilitated in bringing the patients to the different hospitals 15 wounded may mga 2 years old pa,” ayon kay Archbishop Jumoad.
Noong Linggo, may 227 katao ang lumikas sa Misamis Occidental dahil na rin sa engkwentro sa pagitan ng mga sundalo at miyembro ng New People’s Army.
Base sa ulat nagkaroon ng operasyon ang mga sundalo sa lugar dahil sa presensya ng mga NPA na naghihikayat sa mga residente na sumapi sa kanilang grupo.