202 total views
Pagtutulungan sa pagpapahayag ng Mabuting Balita at pagpapayabong ng pananampalataya.
Ito ang mensahe ni Bishop-elect Daniel Presto makaraan italaga ng Kaniyang Kabanalan Francisco bilang bagong obispo ng Diocese of San Fernando La Union noong May 19.
“I hope and pray that we will work together for spreading the Gospel in San Fernando La Union. And also in the next coming months, weeks we will be prepairing for the ordination here in Iba and installation in Sa Fernando La Union.” Ayon kay Bishop-elect Presto.
Si Bishop-elect Presto ay higit sa tatlong taon na nagsilbi bilang administrator ng Diocese ng Iba sa apat na taong walang obispo ang lalawigan.
May 25 nang pormal namang nailuklok si Iba Zambales Bishop Bartolome Santos na mula naman sa Diyosesis ng Malolos.
Ayon pa kay Bishop-elect Presto, ipinagkakatiwala niya sa Panginoon ang kaniyang bagong tungkulin sa pakikipagtulungan na rin ng mananampalataya ng San Fernando La Union.
“Not so much. Not so much! I was an administration for three and a half years in this diocese (Iba) but ofcourse I put myself in the hands of God, we will work together. We know that through the guidance of the Holy Spirit we will be able to work as one people for the spreading of the Gospel.” Dagdag pa ni Bishop-elect Preston.
Si Bishop-elect Presto ang ika-anim na obispo ng diyosesis na siyang hahalili sa namayapang si Bishop Rodolfo Beltran noong Hunyo ng nakalipas na taon.
Ang diyosesis ng San Fernando, La Union ay bahagi ng ecclesiastical province ng Lingayen-Dagupan.
Ito ay may 28 parokya, 52 pari na siyang nangangasiwa sa 86 na porsiyento ng mga katoliko mula sa higit 800 libong populasyon.
Pinaghahandaan na rin ang isasagawang ordinasyon ng Diocese ng Iba sa bagong talagang Obispo na inaasahang isasagawa sa Agosto.