245 total views
Nawa manatili sa bawat isa na namimintuho kay St. Therese of the Child Jesus ang mga mabubuting halimbawa na dapat tularan ng mga mananampalataya sa kanilang pang-araw araw na buhay.
Ito ay kaugnay na rin sa pagtatapos ng ika-4 na pagdalaw ng pilgrim relic ni St. Therese of the Child Jesus sa bansa.
Umaasa si Cebu Auxiliary Bishop Oscar Florencio, Apostololic Administrator ng Military Ordinariate na patuloy na magsilbing inspirasyon ang batang Santa sa mga Pilipino lalu na sa mga nakaranas ng biyaya at natugunan ang mga panalangin.
“The greater responsibility is we ourselves will also be gifts, blessings for others. Just as St. Therese is a blessing for us, just as St. Therese is a blessing for the Church. The challenge now is that we ourselves be a blessing also to others,” bahagi ng homiliya ni Bishop Florencio sa ginawang send off mass ng Pilgrim relic ni St. Therese of the The Child Jesus na ginanap sa National Shrine of the St. Therese sa Pasay City.
Nakiisa rin sa pagdiriwang ang dating obispo ng military ordinariate na si Lipa Archbishop-emeritus Ramon Arguelles; Imus Bishop Rey Evangelista, Novaliches Bishop Antonio Tobias at mga chaplain mula sa Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police
Ang relikya ay dumating sa Pilipinas noong Enero kung saan pinamunuan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Gabriele Giordano Caccia ang ‘welcome mass’ sa National Shrine of St. Therese.
Ito na ang ika-apat na pagdalaw ni St. Therese sa Pilipinas na nagsimula noong taong 2000.
Ang ika-apat na pagdalaw ni St. Therese ay nagsimula noong Jan 12 kung saan kabilang sa dinalaw nito ang may 40 diyosesis at arkidiyosesis mula sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Si St. Therese of Lisieux o isinilang bilang si Marie Francoise- Therese Martin noong January 1873 na kilala rin bilang ‘Little Flower’ at anak ng mag-asawang Santo na sina Marie Azelie at Louis Martin- ang kauna-unahang mag-asawang Santo na sabay na idineklarang banal noong 2004.
Si St. therese na isang French Carmelite nun ay namayapa sa edad na 24 dahil sa sakit na tuberculosis, siya ay naging isang santo noong 1925 ni Pope Pius XI at ipinagdiriwang ang kanyang kapistahan tuwing unang araw ng Oktubre.
Siya ay naging tanyag dahil sa kaniyang pagiging payak at praktikal sa kaniyang buhay pananampalataya na tinagurian ding ‘the greatest saint of the modern times’.