257 total views
Ito panawagan ni Pasig Bishop Mylo Vergara–Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Social Communications and Mass Media (CBCP-ECSCMM).
Ayon kay Bishop Vergarra, ang pagbibigay tuon ng Santo Papa Francisco sa digital media ay bunsod ng pag-usbong ng teknolohiya na kabilang na sa ating pang-araw araw na pamumuhay.
Ayon kay Bishop Vergara, mahalagang tinuran ni Pope Francis ay ang ‘inclusiveness’ at ang pagbibigay halaga maging sa damdamin ng mga makakabasa sa ating mga social media post at kung ano ang maari nitong idulot sa pamilya at maging sa lipunan.
“Kasi ang problema natin pwedeng yung sinasabi natin, ibinabato natin with regards to our expression whether in family, community, or even in our country even in the global perspective ang isang problema. Meaning to say maybe excluding people from relationship at yung mga basic details nito ay how we respect people? How we understand where they are coming from? How we are able to be compassionate to them? I think this is what the pope is trying to tell us because when we come out with post that maybe offensive to the point of rejecting people,” ayon pa sa Obispo.
Sa buwan ng Hunyo ang panalangin ng Kaniyang Kabanalan Francisco na ang ‘Social Networks: That social networks may work towards that inclusiveness which respects other for their differences.”
“So importante lang na magkaroon tayo ng konting mga etiquette with regards of how we deal with the information in social media even opinion, even feelings,” ayon kay Bishop Vergara.
Higit naman sa 583 million fake accounts ang tinanggal ng Facebook sa loob ng tatlong buwan ngayong 2018 dahil sa hindi pagtupad sa pamantayan laban sa sexual at violent images, terrorist propaganda at hate speech.
Sa mensahe ni Pope Francis sa nakalipas na World Youth Day noong 2017, pinaalalahanan nito ang mga kabataan sa paggamit ng ‘social media’ at huwag magpadala sa maling imahe ng katotohanan sa halip ay magpasya para sa ikabubuti ng sarili.
Pinuna rin ni Pope Francis ang labis na paggamit ng ‘gadgets’ na maaring magbunsod ng hindi pagkakaintindihan maging sa loob ng pamilya sa halip ay binigyan diin niya ang kahalagahan ng pagbibigay ng panahon sa pakikipag-usap.